Janine Gutierrez, Paulo Avelino naghiwalay na raw kahit hindi pa inaamin ang relasyon sa publiko? | Bandera

Janine Gutierrez, Paulo Avelino naghiwalay na raw kahit hindi pa inaamin ang relasyon sa publiko?

Reggee Bonoan |August 21,2022
facebook
share this

Janine Gutierrez, Paulo Avelino naghiwalay na raw kahit hindi pa inaamin ang relasyon sa publiko?

Reggee Bonoan - August 21, 2022 - 06:25 PM

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

PALAISIPAN sa amin kung bakit tinag ng avid reader ng BANDERA sina Janine Gutierrez at Jake Ejercito sa sinulat naming “Pwede nga bang maging magdyowa sa tunay na buhay sina Jake Ejercito at Ivana Alawi?” na lumabas nitong Miyerkules, Agosto 18.

Bukod dito ay pinadalhan din kami ng direct message ng avid reader ng BANDERA, at tinanong kung, “Break na po ba sina Paulo (Avelino) at Janine kahit hindi pa umaamin?”

Kaya mas lalo kaming na-curious dahil ang pagkakaalam nga ng lahat ay may “something” na sa pagitan nina Paulo at Janine at hindi nga lang inaamin sa publiko.

Naisulat kasi naming shinare ni Jake sa kanyang Instagram story ang sent messages niya kay Ivana na “nice talking” at “ano gusto mo Starbucks?” na sinagot naman ng dalaga ng larawan niyang nagpapa-cute.

Nabanggit din namin na hindi diretsong sinagot ni Ivana si Jake ng gusto o hindi dahil baka pagmulan ng isyu sa sinasabing mystery boyfriend niya.

Kalat naman kasi sa showbiz na mayroon siyang boyfriend pero hindi pa rin maamin-amin.

View this post on Instagram

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)


Sa pagkakaalam din namin ay wala rin sa plano ni Jake ang magkaroon ng dyowa dahil mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang showbiz career at ang anak niyang si Ellie.

Kaya bakit nga kaya tinag si Janine ng BANDERA reader sa artikulong sinulat namin kamakailan tungkol kina Ivana at Jake? Anong konek?

Speaking of Janine, napanood namin ang 6-episode ng “Sleep with Me” nila ni Lovi Poe na may temang LGBTQ. Sigurado kaming marami ang naka-relate sa kuwento nito mula sa direksyon ni Samantha Lee produced ng Dreamscape Entertainment at Project 8 na palabas na ngayon sa iWantTFC.

Janine sa panliligaw ni Paulo: Dapat siya ang tanungin n’yo, alangan namang ako pa ang sumagot, e ako yung girl

Candy, Rayver binatikos ng netizens: Basa muna bago comment

Fans nina Mikee at Kelvin humihirit agad ng ‘Lost Recipe’ book 2; ‘Magkaagaw’ pasabog ang ending

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending