Kim Molina maligayang-maligaya pa rin sa piling ni Jerald Napoles kahit hindi pa kasal: 'l do believe that being happy is a decision' | Bandera

Kim Molina maligayang-maligaya pa rin sa piling ni Jerald Napoles kahit hindi pa kasal: ‘l do believe that being happy is a decision’

Ervin Santiago |March 19,2023
facebook
share this

Kim Molina maligayang-maligaya pa rin sa piling ni Jerald Napoles kahit hindi pa kasal: ‘l do believe that being happy is a decision’

Ervin Santiago - March 19, 2023 - 08:22 AM

Kim Molina maligayang-maligaya pa rin sa piling ni Jerald Napoles kahit hindi pa kasal: 'l do believe that being happy is a decision'

Jerald Napoles at Kim Molina

IBINANDERA ng celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles sa madlang pipol ang ilan sa kanilang mga sikreto sa pagkakaroon ng “happy life.”

Nagsimula na kahapon ang funseryeng  “Team A: Happy Fam, Happy Life” na pinagbibidahan ng tambalang KimJe mula sa produksyon ng Viva Entertainment, Sari Sari Channel at TV5.

Sa presscon ng nasabing programa, natanong ang mag-live in partners kung anu-ano ang mga ginagawa nila upang mapanatili ang solid nilang pagsasama at ang pagkakaroon ng “masaya” at “mainit” na relasyon.

“Hindi kasi siya puwedeng i-generalize kasi  there are individual needs and wants ang tao.

“As long as you’re aware of the little things that can make you happy as much as a big blessing can make you happy, both sides, magkakaroon ka ng balance sa perspective at sa buhay mo, then, you’ll be happy for the rest of your life,” ang pahayag ni Jerald.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles)


Para naman kay Kim, “l do believe that being happy is a decision. But seriously, if you want to be happy, you should be contented with whatever you have.

“Because if you decide to be happy, it will follow. It’s a law of attraction. Kung kahit sa maliit na bagay lang ay nagbibigay siya ng kaligayahan sa ‘yo, ‘yung mga susunod na bagay na darating sa buhay mo, maging masaya ka pa rin doon sa nakuha mo.

“Kasi if you just look into the negativity of whatever small detail na nahirapan ka sa araw na ito, o may nangyayari sa buhay mo, tapos, laging iisipin mo ang bagay na iyon at hindi mo na pagtutuunan ng pansin ang kaligayahang kahit konti lang ay nagkaroon ka sa araw na iyon, tuloy-tuloy na siya. So, being happy is a decision,” tuluy-tuloy na chika  ni Kim.

Samantala, talagang inabangan ng mga fans ang pagsisimula kagabi ng  “Happy Fam, Happy Life” sa TV5. Siguradong napahalakhak ng “Team A” ang mga viewers lalo na’t magkakasama ang iba’t ibang karakter na maraming pasabog na entry tungkol sa mga isyu pampamilya at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)


Ang istorya nito ay umiikot sa pamilyang Ambida ni Ian (Jerald), Janet (Kim), at ang kanilang unica hija na si Yeye (Gianna Aguiron) kung saan susubukin ang tibay ng kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa lalo na’t umeeksena sa scenario ang nanay ni Janet na si Violeta Bagsic (Yayo Aguila) at ama ni Ian na si Arman Ambida (Anjo Yllana) dala ng pagkakaiba ng kanilang lifestyle at pinansyal na pagpapalaki.

Baka Bet Mo: Kim Molina, Jerald Napoles ayaw pang magpakasal: Madaling magplano, mahirap panindigan

Sa comedic tandem nina Jerald and Kim na gaganap bilang mag-asawa sa bagong seryeng ito, maeexcite ka talaga sa bibitawan nilang dialogue at banters ng kanilang mga karakter.

Hindi lamang pagpapatawa ang maihahandog ng Team A kundi mag-iiwan rin ito ng mga importanteng mga aralin tungkol sa pamilya na maaaring maka-relate sa mga viewers.

Ano nga ba ang dapat gawin ng Ambida Family sa parating pagbabangayan ng kanilang mga in-laws? Lalo na’t parating nagpaparinig si Violeta na hindi siya aprubado kay Ian bilang asawa ng anak niyang si Janet dagdagan pa ng di pagsang-ayon ni Arman na maliit-liitin ni Violeta ang kanyang anak na si Ian.

Paano kaya mapa pagbati ni Janet at Ian ang kanilang mga magulang at maging magkakampi sa Team Ambida o Team A?

Panoorin kung paano dadalhin nima Jerald, Kim, Yayo at Anjo ang kanilang A-game sa bagong comedy series para sa buong pamilya. Makakasama rin sa Team A casts sina Gene Padilla bilang Mon Bagsic, asawa ni Violeta at ama ni Janet; Cindy Miranda bilang Rochelle, isang beauty-queen YouTuber na kapatid ni Janet; Marc Acueza bilang Estong, asawa ni Rochelle na mukhang inosente pero napakayaman; Ethan David bilang Jaime Sobel, ang mayabang na kapwa driver ni Ian; at Ashtine Olviga bilang Diane, nakababatang kapatid ni Janet.

Ang “Team A” ay mula sa direksyon ni Mervyn Brondial.

Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Beteranang aktres na si Janet Bordon pumanaw sa edad na 66

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending