Kim Molina, Jerald Napoles naghiwalay na pero nagbalikan uli: 'Marami rin kaming ayaw sa isa’t isa, pero...' | Bandera

Kim Molina, Jerald Napoles naghiwalay na pero nagbalikan uli: ‘Marami rin kaming ayaw sa isa’t isa, pero…’

Ervin Santiago |January 08,2023
facebook
share this

Kim Molina, Jerald Napoles naghiwalay na pero nagbalikan uli: ‘Marami rin kaming ayaw sa isa’t isa, pero…’

Ervin Santiago - January 08, 2023 - 12:32 PM

Kim Molina, Jerald Napoles naghiwalay na pero nagbalikan uli: 'Marami rin kaming ayaw sa isa’t isa, pero...'

Gerald Napoles at Kim Molina

NAGHIWALAY na pala noon ang celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles makalipas ang ilang taong pagsasama.

Inamin ng magkarelasyon na may pagkakataon din sa kanilang pagsasama na nagkakaroon sila ng alitan at hindi pagkakaunawaan na anila’y normal naman sa mga magdyowa.

Sa naganap na presscon kamakalawa, January 6, para sa unang pasabog ng Viva Films ngayong 2023, ang “Girlfriend Na Puede Na”, naikuwento nga ni Jerald na ilang beses na raw silang nag-break ni Kim.

Sey ng aktor, wala naman daw silang matitinding away ni Kim basta napagdesisyunan lang nila magkanya-kanya muna ng landas at magsolo para na rin sa kanilang mga personal na issue.

Ngunit makalipas lang daw ang halos tatlong buwan ay nagkabalikan din sila, patunay lang na talagang sila na ang pinagtagpo at itinadhana.

Diretsahan ding sinabi ni Kim na hindi perfect ang pagsasama nila ni Jerald pero talagang pinag-uusapan at inaayos nila agad ang problema para hindi na ito lumaki at lumala.

“Marami rin kaming ayaw sa isa’t isa, but we always make it a point that when we clash, we talk about it and we eventually realize that we still have a lot of things be grateful for about each other. And so, we’re still together,” chika ng aktres.

“And pareho rin kaming mag-isip, e. We have the same goals in life. You can consider me as babaeng Jerald and he, lalaking Kim, so talagang may connect,” aniya pa.

Samantala, super thankful at grateful ang tambalang KimJe dahil patuloy silang binibigyan ng projects ng Viva Films.

After ng mga hit movies nilang “Jowable”, “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” at “Ako at Ikaw at ang Ending” ay may bago na naman silang pasabog sa pagpasok pa lang ng 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)


Ito nga ang romcom ba “Girlfriend Na Puede Na” na reunion project nila ng writer-director na si Benedict Mique, ang direktor din ng Kapamilya series na “Darna.”

“This is my second time with him as we did ‘Momol Nights’ before. I’m happy to be reunited with him as he listens to the suggestions of his actors para mas mapaganda ang movie,” chika ni Kim about Direk Benedict.

Sa pelikula, sasagutin ang tanong na, “Para makapag-settle down, willing ka bang mag-settle for less? O magiging matapang ka ba at tatalikuran ang nakakapagod at nakakaubos na relasyon dahil alam mong mas deserve mo ng more?”

Kilalanin si Pam (Kim), ang girlfriend na pwede na, hindi sobra, hindi kulang, sakto lang. Isang dalagang nasa late 20s, matagal na nitong pangarap na i-level up sa next chapter ang buhay niya at magpakasal sa  longtime boyfriend na si Jiggs (Gab Lagman), pero kahit na pitong taon ng magkarelasyon, kahit kailan ay hindi nagpahiwatig si Jiggs na magpropose kay Pam.

Hindi pala sigurado ang binata kung si Pam na ba ang babaeng nakalaan para sa kanya. Malalaman ni Pam ang dahilan ni Jiggs, maiinsulto at masasaktan ito at makikipagbreak sa boyfriend, pero pagsisisihan niya rin agad dahil alam niya sa sariling mahal pa rin niya ‘to.

Sa halip na mag-move on, iisip ng plano si Pam para magkabalikan sila ni Jiggs at marealize nito na si Pam ang nakatadhana para sa kanya.

Sa tulong ng mga kaibigan, hahanap sila ng perfect guy na pagseselosan ni Jiggs. Dito nila makikilala si Isko (Jerald), isang Buko Juice vendor, na sa kapalit ng malaking halaga ay papayag na magpanggap at maging perfect boyfriend ni Pam.

Pero ang fake at pilit na relasyon ng dalawa ay magiging masayang pagsasama dahil magkakasundo ang humor ni Pam at Isko, marami ring magiging similarities ang ugali nilang dalawa. Mapapansin naman ni Jiggs at ng mga kaibigan ni Pam ang pagbabago sa dalaga pati na ang closeness nila ni Isko.

Dito na magsisimulang magselos si Jiggs at susubukan muling makipagbalikan kay Pam. Eto na sana ang perfect ending na hinahangad ni Pam na aayon sa mga plano niya, pero mag-iiba ang ihip ng hangin dahil napalapit na ang loob nito kay Isko at baka nga nahuhulog na rin ang loob nito sa binata.

Pipiliin ba ni Pam ang pamilyar na siya at kilala na ng puso niya? O ang bagong dating na nagpapasaya sa kanya? Si Jiggs pa rin ba ang gusto niyang pakasalan? O nabago na ba ni Isko ang isip niya? Bongga, di ba?

Mula sa Viva Films, hindi pwede ang pwede na, lalo na pagdating sa pag-ibig kaya watch na ng “Girlfriend Na Pwede Na” ngayong January 18, 2023, in cinemas nationwide.

Kim Molina, Jerald Napoles ayaw pang magpakasal: Madaling magplano, mahirap panindigan

Kim Molina, Jerald Napoles walang arte sa love scene; hubad kung hubad

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Roxanne Barcelo excited na sa paglabas ng 2nd baby: It’s an experience I absolutely love!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending