Dating young actress gustong balikan ang nilayasang career, nagpaparamdam sa pinagtrabahuang TV network | Bandera

Dating young actress gustong balikan ang nilayasang career, nagpaparamdam sa pinagtrabahuang TV network

Reggee Bonoan |March 16,2023
facebook
share this

Dating young actress gustong balikan ang nilayasang career, nagpaparamdam sa pinagtrabahuang TV network

Reggee Bonoan - March 16, 2023 - 06:13 AM

Dating young actress gustong balikan ang nilayasang career, nagpaparamdam sa pinagtrabahuang TV network

Guess, Guess who? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

TRULILI kaya na kumakatok sa isang TV network ang dating young star na pagkalipas ng ilang taong pagiging inactive sa showbiz ay gusto ulit balikan ang iniwang karera.

Habang sinusulat namin ang blind item na ito ay hindi pa sumasagot ang management ng TV network sa pagkatok ng young star dahil ang katwiran ng aming source ay naging pasaway ito noong kainitan niya.

May mga projects na inalok sa young star pero panay ang tanggi nito dahil may iba siyang gustong mangyari sa karera niya na pati ang ipina-partner sa kanya noong batang aktor ay inaayawan niya.

“Feeling niya kasi mas magaling siya kay ____ (batang aktor), e, may iba siyang gustong maka-loveteam e, hindi naman ibinigay sa kanya kasi may iba na ring partner, hayun ginusto niyang magsolo na walang nangyari.

“Tapos nu’ng napansin niyang walang nangyayari, nagpaalam siyang magla-lie low muna kaya tinanggihan yung mga projects.

“Hanggang wala namang nabalitaang nangyari, siguro nag-aral ata, kasi totally walang balita tapos ngayon biglang nagpaparamdam na,” kuwento ng aming source.

Nagulat kami sa sinabing pasaway dahil hindi naman namin siya nakitaan noon ng ganitong ugali, magalang naman at palangiti sa mga mediacon ng programang kasama siya. Very accommodating nga siya sa totoo lang.

Nakitaan din namin siya ng simpleng buhay kahit maraming nagsasabing may kaya sila dahil nakita naming iisa lang ang gamit nitong sasakyan at nagsisiksikan silang pamilya.

Ang bilang pa nga namin ay pito o walo silang sakay ng isang lumang SUV na naka-park sa kilalang mall sa Quezon City.

Sa ganang amin ay hindi kami nagagalingan sa kanyang umarte, pati sa pagde-deliver ng linya kaya siguro pinag-iisipang mabuti ng TV network kung kukunin nila uli ang young star na dalaga na ngayon dahil marami na silang talent na mas deserving bigyan ng projects.

Oo nga, kung noong nagpaalam siyang mag-lie low muna sa career ay hindi siya pinigilan, ngayon pa kaya? Puwede siguro tita role na ng mga bagong young stars ngayon.

Vice Ganda sa mga dating nakasama sa ‘Showtime’: Bago tayo nagalit sa isa’t-isa, bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo

* * *

Mainit na pinag-uusapan sa social media ang umiigting na mga komprontasyon sa trending Kapamilya teleseryeng “Dirty Linen” matapos itong makakuha ng pinagsama-samang isang bilyong online views sa YouTube, Facebook, TikTok, Instagram, Twitter, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Gabi-gabing trending sa Twitter Philippines ang serye kung saan puring-puri ng netizens ang sunod-sunod na pasabog na rebelasyon, pati na rin ang matinding aktingan ng cast na pinangungunahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, at Seth Fedelin.

Baka Bet Mo: Maxene hindi pa rin sumusuko sa ‘love & forever’ dahil kay Francis: ‘I will never give up, I will never lose hope’

Kabilang ang “Dirty Linen” sa top two TV shows sa iWantTFC at mayroon din itong all-time high viewership record na 141,957 live concurrent views sa Kapamilya Online Live kung saan lalong tumitindi ang paghihiganti ni Alexa/Mila (Janine) dahil mukhang gumagana ang pang-aakit niya kay Aidan (Zanjoe) para pabagsakin ang pamilya Fiero.

“Ang powerful masyado ng bawat eksena ng Dirty Linen and in fairness, sobrang galing talaga ng musical score, the transitions and thought provoking themes are light years away from anything we have seen in Philippine television,” sabi ni @dirtylenin sa social media.

“Fierce. One word to describe #DirtyLinen from the masterful direction, amazing actors and ensemble, powerful dialogue, near flawless cinematography and a musical score that is both thematic and thought provoking. Truly amazing!” komento ni @Mist3frine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kelvin Miranda nanghinayang sa nakaraan: Gusto kong balikan ‘yung oras na natakot akong magkamali…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending