Vice Ganda sa mga dating nakasama sa 'Showtime': Bago tayo nagalit sa isa't-isa, bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo | Bandera

Vice Ganda sa mga dating nakasama sa ‘Showtime’: Bago tayo nagalit sa isa’t-isa, bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo

Therese Arceo |November 19,2022
facebook
share this

Vice Ganda sa mga dating nakasama sa ‘Showtime’: Bago tayo nagalit sa isa’t-isa, bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo

Therese Arceo - November 19, 2022 - 09:30 PM

Vice Ganda sa mga dating nakasama sa 'Showtime': Bago tayo nagalit sa isa't-isa, bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo
PUNUNG-PUNO ng emosyon ang naging mensahe ni Vice Ganda nang matapos na ang kanilang selebrasyon para sa 13 years na pamamalagi ng kanilang programang “It’s Showtime”.

Matapos nga ang pagpapasalamat ng bawat host sa isa’t isa ay humirit ng ilang minuto ang Unkabogable Star upang balikan at pasalamatan ang mga taong naging parte ng Kapamilya noontime show.

Pagkukwento ni Vice, for the longest time raw ay nagtataka siya kung bakit hindi nananalo si Ryan Bang sa “Magpasikat” kahit na ginagawa niya ang lahat at nitong taon nga ay finally, nanalo na ito dahil binalikan niya kung ano siya at ito ang mas nagpatibay at nagpalakas sa kanyang performance kasama si Jhong Hilario.

At ito nga ang naging inspirasyon ng TV host-comedian para magbigay ng mensahe para sa mga Kapamilya na minsan ay naging bahagi rin ng kanilang masayang “Showtime” family.

Saad ni Vice, “Ngayon gusto ko lang balikan lahat. Nagpasalamat na tayong lahat sa mga nakasama natin ngayon pero gusto ko pa ring magpasalamat sa mga hindi na natin kasama.

“Dahil ‘yung mga hindi natin kasama, sila ang nagsimula nung programang ito. Isa sila sa mga unang taong nag-isip, isa sila sa unang tao nagtaguyod, isa sila sa unang taong napagod, isa sila sa unang taong talagang nandirito na naging paa at kamay ng programa.”

Dito nga ay isa-isang binanggit ni Vice ang mga dating parte ng Kapamilya show.

“Gusto kong magpasalamat, balikan ‘yung pinagmulan natin. Maraming maraming salamat Direk Bobet Vidanes, thank you very much. Direk Mel Feliciano, thank you very much. Direk Boyet, thank you very much. MOD, thank you very much,” lahad niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Nabanggit rin niya ang mga dating hosts na minsang nagpasaya at nagbigay ngiti sa labi ng mga madlang pipol.

“Sa lahat ng mga hosts na nagsimula nito kasama na diyan si Kuya Kim, thank you very much. Billy Crawford, thank you very much. Coleen, thank you very much. Eruption, thank you very much. Baby Red and Baby Joy, thank you very much. Joey Marquez, thank you very much,” sey ni Vice.

Aniya, gusto niyang balikan at pasalamatan ang mga taong ito dahil alam niyang bago pa man nangyari ang mga nangyari ay minsan silang naging mahalaga sa isa’t isa.

Sabi pa ni Vice, “Lahat ng nakasama namin, gusto ko kayong balikan, gusto kong balikan lahat ng mga masasayang ala-ala kasi masayang-masaya naman tayong lahat. Mahal na mahal natin ang isa’t-isa bago tayo hindi nagkaintindihan, bago tayo nagkasakitan, bago tayo nagalit sa isa’t-isa. Bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo. Gusto kong balikan ‘yon.

“It’s a celebration. We celebrate the love that we once felt kaya kahit wala na po kayo, maraming maraming maraming maraming salamat!”

Bukod rito ay nagpasalamat rin si Vice sa ABS-CBN management na patuloy na naniwala sa kanila at muling binigyan ng pagkakataon ang “It’s Showtime” para patuloy na magpasaya at magbigay aliw sa madlang pipol.

Related Chika:
Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

Vice Ganda pumalag sa chikang nagka-issue sila ni Marian Rivera: Super yuck!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda umalma sa mga nagpapakalat ng fake news: Ang evil!

Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending