Batang aktres humaling na humaling sa BF na aktor | Bandera

Batang aktres humaling na humaling sa BF na aktor

Cristy Fermin |November 02,2018
facebook
share this

Batang aktres humaling na humaling sa BF na aktor

Cristy Fermin - November 02, 2018 - 12:35 AM

MAS matindi pala ang pagmamahal ng isang magandang batang aktres sa kanyang bagong boyfriend na aktor kesa sa espesyal na pagtingin na ibinibigay sa kanya ng male personality.

Hindi ‘yun maitatago sa kanilang mga katrabaho, ramdam na ramdam ng mga ito na tinamaan talaga ang young actress sa bago niyang karelasyong aktor, pero sa paraang positibo naman.

Kuwento ng aming source, “Hindi siya kakain sa set nang hindi kasabay si ____ (pangalan ng pamosong male personality). Kailangang magkasabay silang kumakain. Maalaga ang girl sa BF niya.

“Very concerned siya sa guy, hindi siya mapakali kapag hindi maganda ang pakiramdam ng guy, talagang maalaga siya. Masuwerte ‘yung lalaki sa girlfriend niya ngayon,” simulang chika ng aming impormante.

Galing sa isang nabigong batang pag-ibig ang young actress, hindi kagandahan ang naging break-up nila ng isang young actor, pero hindi naman maituturing na love on the rebound lang ang ibinibigay niyang pagmamahal sa bago niyang boyfriend.

“Mabilis siyang nakapag-move on dahil sa madalas nilang pagsasama ng guy. Kumbaga, hindi na nga siya masyadong naapektuhan ng break-up nila ng ex niya, kasi nga, nagkaroon agad siya ng love sa kasalukuyan niyang boyfriend.

“Paano naman siyang hindi mahuhulog du’n sa guy, e, napakalambing niya? Concerned din ang guy sa kanya, lalo na nu’ng katatapos lang ng break-up nila nu’ng young actor?

“Hindi talaga siya makaiiwas na ma-in-love sa palagi niyang kasamang actor. Napakalambing kasi ng guy, nirerespeto siya, pinatatawa, kinakantahan pa! Natural, palaging kilig-kiligan ang girl!

“Bagay naman silang dalawa, maganda ang girl, guwapo naman at malambing ang lalaki, ano pa nga ba naman ang hahanapin pa niya? Napakalayo ng relasyon nila sa pinagdaanan niyang relasyon na may mga action scenes pa nga, di ba, dahil balitang sinasaktan siya nu’ng ex niya?” kumpletong chika pa ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan sa panghuhula kung sinu-sino ang mga bumibida sa ating kuwento, tama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending