Kelvin Miranda nanghinayang sa nakaraan: Gusto kong balikan 'yung oras na natakot akong magkamali... | Bandera

Kelvin Miranda nanghinayang sa nakaraan: Gusto kong balikan ‘yung oras na natakot akong magkamali…

Ervin Santiago |April 02,2021
facebook
share this

Kelvin Miranda nanghinayang sa nakaraan: Gusto kong balikan ‘yung oras na natakot akong magkamali…

Ervin Santiago - April 02, 2021 - 09:25 AM

MAY ilang mga eksena sa buhay ng Kapuso matinee idol na si Kelvin Miranda na nais niyang baguhin kung babalikan niya ang nakaraan.

Tulad ng naging karakter niya sa hit  primetime series ng GTV na “The Lost Recipe” bilang si Chef Harvey, inamin niyang may gusto rin siyang baguhin sa kanyang past.

“Gusto kong balikan ‘yung mga oras na natakot ako magdesisyon. Natakot ako na magkamali.

“Hindi ko naisip noong mga time na ‘yun na kapag nagkamali ka pala ay mas matututo ka sa reyalidad, sa sarili mo. Mas makikilala mo kung sino ka,” pahayag ng binata.

Dagdag paliwanag ng Kapuso actor, sana raw ay pumayag na lang siya noon na harapin ang mga challenge at opportunities na dumating sa buhay niya at hindi nagpadala sa takot.

“Gusto kong balikan ‘yung mga times na ‘yun na sana umoo na lang ako sa lahat ng bagay. Umoo na lang ako sa lahat ng opportunities at hindi ako natakot,” sabi ng leading man ni Mikee Quintos sa “The Lost Recipe.”

Sa nakaraang panayam ng GMA kay Kelvin, talagang sinabihan niya ang sarili na huwag nang matakot sa iba’t ibang hamon ng buhay dahil ito nga ang magsisilbing hagdan para marating ang pangarap na tagumpay.

“Ibigay mo na ‘yung best mo sa simula pa lang, no hesitations. Do your best. Wag kang magpadala sa paligid mo,” diin pa niya.

Samantala, sasagutin naman nina Kelvin at Kristoffer Martin ang mga intriga kaugnay ng kanilang personal relationships sa pagsugod nila sa top-rating weekly comedy show ng GMA, ang “The Boobay and Tekla Show.

Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, (April 4), mas lalong paiinitin nina Kelvin at Kristoffer ang hot seat sa “May Pa-PressCon” segment sa kanilang gagawing pag-amin.

Ano nga ba ang namamagitan kina Kristoffer at Kapuso star Liezel Lopez? Ano rin ang katotohanan sa likod ng cheating rumors na kinasangkutan diumano ng aktor?

Samantala, hindi naman nakaiwas si Kelvin nang tanungin siya tungkol sa balitang may ka-date siyang “rich gay” sa Hong Kong.

Ang dalawang Kapuso stars din ang maglalaro sa segment na “Don’t English Me” at makikipagkulitan sa fun-tastic duo at sa The Mema Squad na kinabibilangan nina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red at Skelly Clarkson.

Maglalaro rin sina Boobay, Tekla at The Mema Squad sa bagong segment na “Sipsipan Na” kung saan ang parusa sa losing team ay ang pag-inom ng isang mystery drink.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuloy-tuloy pa rin ang laugh trip kahit may krisism Tutok na sa “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo ng gabi pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending