Kilalang aktor dapat nang hiwalayan ang dyowang young star bago magsisi sa huli

By Cristy Fermin December 06,2018
share this

Kilalang aktor dapat nang hiwalayan ang dyowang young star bago magsisi sa huli

By Cristy Fermin December 06,2018
share this


MARAMING kaibigan at katrabaho ng isang guwapo at magaling umarteng male personality ang nagpapayo na habang maaga pa ay makipagkalas na siya sa kanyang karelasyong female personality.

Wala pa silang pormal na inaamin ng kanyang girlfriend na sila na nga, pangiti-ngiti lang sila kapag tinatanong, pero alam ng malalapit nilang kaibigan kung ano ang totoong namamagitan sa kanila ng magandang young actress.

Kuwento ng aming source, “May mga friends siyang nagpapayo sa male personality na habang maaga pa, habang puwede pa siyang lumabas, e, hiwalayan na niya ang young actress.

“Nakikinita na kasi ng mga kaibigan ng male personality kung ano ang kahihinatnan ng relasyon nila ng girl. Walang mangyayari, mauuwi rin sila sa hiwalayan, kaya as early as now, may mga nagpapayo na sa kanya na lumabas agad.

“Very immature kasi ang girl, masyadong mapagpaniwala sa mga nagsusulsol sa kanya, walang sariling paninindigan ang babae. Sulsulin siya, nagpapaniwala agad, hindi muna nagtatanong at nag-iimbestiga,” napapailing na buwena-manong chika ng aming impormante.

Alagain kuno ang girl, hindi pa handa sa mga laban ng pakikipagrelasyon, kaya ganu’n kabuway ang kanyang paninindigan.

Patuloy ng aming source, “Sa konting kuwento lang, may reaction na siya agad, naninita na, nag-iingay na siya. Hindi puwede ang ganu’n sa isang relasyon. Dapat, nirerespeto niya ang boyfriend niya.

“Sabi nga ng isang kaibigan ng male personality, ‘Ang kailangan niyang makarelasyon, e, isang babaeng may paninindigan sa buhay. She should be whole.’

“Maligalig ang relasyon nila ngayon, maraming namba-bash sa male personality, kung anu-anong bintang ang ipinaaako sa kanya kahit napakaimposible naman!

“Ano ito, part two ng past relationship ng girl? Palalabasin nilang two-timer, user, manloloko at kung anu-ano pang bintang ang guy?

“Tantanan na ang mga ganyang bintang, lalo na’t wala namang ginagawang mali ang male personality. Sayang na relasyon, araw-gabi pa naman nilang hinihiling nu’n na sana, e, magtagal sila,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, walang nakareserbang upuan ngayon para sa inyo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, napakadaling tumbukin kung sinu-sino ang bumibida sa kuwentong ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending