Bea Alonzo umaming muntik nang makipaghiwalay kay Dominic Roque: 'Yes, meron pa rin akong trust issues' | Bandera

Bea Alonzo umaming muntik nang makipaghiwalay kay Dominic Roque: ‘Yes, meron pa rin akong trust issues’

Ervin Santiago |March 12,2023
facebook
share this

Bea Alonzo umaming muntik nang makipaghiwalay kay Dominic Roque: ‘Yes, meron pa rin akong trust issues’

Ervin Santiago - March 12, 2023 - 07:23 AM

Bea Alonzo umaming muntik nang makipaghiwalay kay Dominic Roque: 'Yes, meron pa rin akong trust issues'

Dominic Roque at Bea Alonzo

HANGGANG ngayon ay matindi pa rin ang trust issues ng Kapuso actress na si  Bea Alonzo matapos mabigo sa pag-ibig at pakikipagrelasyon nang ilang beses.

Knows n’yo ba na muntik na pala silang maghiwalay noon ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque matapos magkaroon ng  hindi pagkakaunawaan?

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Yan ang inamin ni Bea nang matanong tungkol sa relasyon nila ni Dominic at sa mga naging challenges na hinarap nila bilang magdyowa.

“Muntik kaming mag-break but hindi kami natuluyan mag-break,” ang pag-amin ng award-winning actress sa YouTube vlog ng socialite at content creator na si Small Laude.

Ayon pa sa dalaga, talagang si Dominic daw ang nag-effort at gumawa ng paraan para ma-save ang kanilang relasyon at muli siyang kumapit at maniwala sa kanilang pagmamahalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Actually, bilib din ako sa kanya because he always wants to really make it work,” pagbabahagi pa ni Bea.

Baka Bet Mo: Angelica…patron ng mga tanga sa pag-ibig, sa wakas nanalo na: ‘Prayer reveal naman diyan’

Actually, nu’ng tine-test daw ang relasyon nila ni Dominic ay inihahanda na niya ang kanyang sarili na sa hiwalayan din mauuwi ang love story nila ng aktor at negosyante.

“Kasi meron ako siguro… because, you know, because nobody’s perfect. I’m not perfect.

“There are times that parang sa sobrang paso ko (sa pag-ibig) inisip ko, ‘I’m good at goodbyes. Alam ko na ito, e. Eto na naman ako,’ parang ganu’n,” sey pa ng Kapuso star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Nagpapasalamat din siya sa kanyang boyfriend dahil hindi siya sinukuan ng binata sa kabila ng pagkakaroon niya ng trust issues, “He makes me realize that it shouldn’t end that way. It shouldn’t end at all.

“That there are parts of the relationship that can be worked out, and these are the things that could make you better as a couple, because kapag napagdaanan mo na ito, mas titibay kayo bilang couple,” katwiran pa niya.

Pagbabahagi pa niya, “We dated for more than a year, walang label. I was afraid to fall in love again, to commit to somebody na alam ko possible ring saktan ako.

“So, yes, may trust issues ako. But then, I’m working on it. Every day, Dom proves me wrong. That love is worth fighting for,” aniya pa.

Dalawang taon na ngayonng magkarelasyon sina Bea at Dominic at umaasa si Bea na natagpuan na nga niya ang forever at ang kanyang Mr. Right sa katauhan ng aktor.

Pia Wurtzbach sa mga walang dyowa: Trust in the universe, your time will come…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagong hugot ni Moira tagos na tagos sa puso: ‘Pano kung iwanan ko ang lahat…ta’s iwanan mo lang rin ako?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending