Bea Alonzo pumutok ang bibig dahil sa 25 sampal ng kaeksena: 'Pero tuluy-tuloy pa rin kami' | Bandera

Bea Alonzo pumutok ang bibig dahil sa 25 sampal ng kaeksena: ‘Pero tuluy-tuloy pa rin kami’

Ervin Santiago |February 27,2023
facebook
share this

Bea Alonzo pumutok ang bibig dahil sa 25 sampal ng kaeksena: ‘Pero tuluy-tuloy pa rin kami’

Ervin Santiago - February 27, 2023 - 05:48 AM

Bea Alonzo pumutok ang bibig dahil sa 25 sampal ng kaeksena: 'Pero tuluy-tuloy pa rin kami'

Bea Alonzo

ILANG beses nang napatunayan ng Kapuso actress at content creator ang kanyang pagiging professional pagdating sa trabaho.

Parang wala pa kaming nadinig na reklamo mula sa mga artistang nakasama niya sa napakaraming teleserye at pelikulang nagawa na niya sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Kahit sa mga ginawa naming pagtatanong sa mga production staff na nakakatrabaho niya ay walang masabi ang mga ito kundi magaganda at positibong mga salita lamang.

Kaya naman lagi siyang puring-puri ng mga nakakasama niya sa trabaho at isa yan sa mga sikreto ni Bea kaya hanggang ngayon ay very visible pa rin siya sa mundo ng telebisyon at pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Knows n’yo ba na isa sa naging tatak ni Bea pagdating sa professionalism ay ang pagiging masunuring artista at pagrespeto sa kanyang direktor at co-stars?

Yes, yes, yes mga ka-Marites! At isa sa mga patunay diyan ay ang eksenang ginawa niya para sa isang proyekto kung saan kailangan siyang sampalin ng kanyang kaeksena.

Sa latest vlog ni Bea sa YouTube kung saan naka-collab niya ang kapwa content creator at chef na si Ninong Ry, ay naikuwento niya ang nakakalokang sampalan scene na ginawa niya.

“Totoo ‘yung sampalan. Dati 25 takes ako,” ang sabi ng dalaga kay Ninong Ry na nagturo sa kanya kung paano makakagawa ng masasarap na putahe mula sa mga leftover food o tira-tirang pagkain sa bahay.

Pagsusumbong pa ni Bea  “Tapos pumutok ‘yung bibig ko. Tapos tuloy pa rin.”

“Bakit kailangan 25 takes ‘yung sampal? ‘Di perfect ‘yung sampal?” hirit pang tanong ni Ninong Ry.

Tugon naman ng girlfriend ni Dominic Roque, “Kasi ‘yung director namin nu’n, ano siya e, parang perfectionist.”

Nauna rito, inamin din ni Bea sa isang panayam na may mga pagkakataon na ginagamit niya sa kanyang mga eksena ang mga hugot niya sa totoong buhay kaya mas nagiging makatotohanan ang kanyang akting.

Gina nag-sorry kay Claire sa sobrang lakas ng sampal: OK lang po, isang karangalan!

Julia sa mga babaeng may natitipuhang lalaki: I don’t mind if a girl makes the first move…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maja Salvador istrikto sa trabaho, sey ni Kakai: Disiplinado siya pagdating sa work

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending