Maja Salvador istrikto sa trabaho, sey ni Kakai: Disiplinado siya pagdating sa work | Bandera

Maja Salvador istrikto sa trabaho, sey ni Kakai: Disiplinado siya pagdating sa work

Reggee Bonoan |August 19,2022
facebook
share this

Maja Salvador istrikto sa trabaho, sey ni Kakai: Disiplinado siya pagdating sa work

Reggee Bonoan - August 19, 2022 - 11:15 PM

Maja Salvador istrikto sa trabaho, sey ni Kakai: Disiplinado siya pagdating sa work

MATAGAL nang magkaibigan sina Maja Salvador at Kakai Bautista at sa katunayan ay suportado ng una ang lahat ng pinagdaanan ng huli pagdating sa buhay pag-ibig nito noon pang 2016.

Lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa kaya naman kapag may project si Maja ay lagi niyang isinasama si Kakai kung libre ito at isa nga ang “Oh My Korona” (OMK), weekly sitcom ng una na napapanood sa TV5.

Ang “Oh My Korona” ay line –produced ng Crown Artist Management na pag-aari nina Maja at fiancé niyang si Rambo Nunez for Cignal Entertainment at TV5.

Ibinuking ni Kakai na pagdating sa trabaho ay istrikto si Maja at isinasantabi muna nito ang pagkakaibigan.

Ayon sa panayam ng komedyana sa “Cristy Ferminute” radio show nito sa Radyo5, 92.3 News FM nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika ay kinumusta ng mga host si Maja bilang komedyana rin na una nilang napanood sa Nino Nina.

“Sa totoong buhay po talaga ‘Nay komedyana si Maja. Maloko talaga siya kapag normal namin nila Thou (Reyes), Pooh. Talagang makulit si Maja, so, nailabas niya rito ‘yung pagka-komedyante niya.

“Siyempre kaming magkakasamang magkakaibigan hindi lang kami nage-enjoy ng company sa isa’t isa masaya po na magkasama kami sa trabaho kasi nagkakatulungan kami, collaborative po kung ano ‘yung show namin kung may suggestions o kaya may kulang like ‘okay ba ito, okay ba ‘yung acting ko anong masasabi mo.’ So, masaya po naka-trabaho rin namin ang kaibigan namin.”

At dito inamin ng singer/actress na, “pero istrikta kasi siya ang producer. Bukod sa artista siya, siya ang line producer, (tulad) ‘o bilis-bilis (kumilos). Kaya (sabi namin), ‘ay ang taray ng producer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)

“So, kami laging (mabilis). Iba rin ‘yung pagiging istrikta niya rin as a manager at siyempre iba rin ‘yung natutunang disiplina ni Maja kaya nga siya Maja Salvador kasi disiplinado siya pagdating sa work. So, ikaw din mae-engganyo ka na o bilisan nating kumilos.”

Maging ang kapatid ni Maja na si Jessie Salvador na kasama rin sa “Oh My Korona” ay nagsabing mahigpit ang ate niya pagdating sa trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan bukas, Sabado, Agosto 20 sa TV5 kung ano na ang latest kina Maja as lablab at RK Bagatsing bilang si Tim na nagka-crush kaagad sa kanya sa pilot episode palang.

Related Chika:
Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless

Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending