‘Walang pasok’ idineklara sa ilang bahagi ng Visayas; LPA hindi inaasahang magiging bagyo
DAHIL sa masamang panahon at patuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ay nagsuspinde na ng klase ang mga paaralan sa ilang probinsya sa Visayas.
Narito ang listahan ng mga walang pasok ngayong Huwebes, January 12:
ALL LEVELS
-
Bohol
-
Cebu
-
Mandaue
-
-
Eastern Samar
-
Leyte
-
Tacloban
-
Tanauan
-
-
Negros Oriental
-
Negros Occidental
-
E.B. Magalona
-
San Carlos
-
Silay
-
Talisay
-
SELECTED LEVELS
-
Cebu
-
Carmen (Pre-school to senior high school)
-
Lapu-Lapu (Pre-school to senior high school)
-
-
Negros Occidental
-
Bacolod (Pre-school to senior high school)
-
Bago (Pre-school to senior high school)
-
La Carlota (Pre-school to senior high school)
-
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy pa ring nakakaapekto sa bansa ang Low Pressure Area (LPA) na nasa may Mindanao area, pati na rin ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan at Shearline.
Sey ni Weather Specialist Benison Estareja sa press briefing ngayong January 12, “Patuloy nating mino-monitor ang low pressure area sa silangan ng Mindanao and as of 3 in the morning ay nasa layo na lang itong 380 kilometers silangan ng Surigao del Norte.
“Sa ngayon po, mababa pa rin ang tsansa na ito ay maging isang bagyo subalit patuloy pa rin ang pag-uulan dito sa bahagi ng Visayas, Mindanao and even Southern Luzon.
“Take note po, minsan lumalakas ang mga ulan, generally moderate to heavy rains po ito,” aniya.
Bagamat nasa Mindanao ang binabantayang sama ng panahon ay nagdudulot naman ng mga pag-ulan ang dalawang weather systems, ang hanging amihan at shearline.
“Samantala, ‘yung northeast monsoon or amihan, nakakaapekto dito po sa bahagi ng Luzon, lalo na sa may Northern and Central portion habang ‘yung shearline ang siyang nagpapalakas ng mga pag-ulan dito sa Southern Luzon and Visayas kaya mag-ingat po tayo dahil sa mga susunod pa na araw o hanggang sa weekend, may epekto pa rin ang low pressure area plus the shearline,” saad ni Estareja.
Abiso pa ng PAGASA ang nakataas na “Gale Warning” o babala ng malalaking alon sa mga karagatan.
“Dahil pa rin sa bugso ng amihan, bagamat humihina ‘yung amihan natin, meron pa rin po tayong Gale Warning at ito ay mostly sa Silangang parte ng ating bansa,” paalala ng weather specialist.
Aniya, “Hanggang 4.5 meters or isa’t kalahating palapag ng gusali pa rin ang mararanasan.”
Narito ang kumpletong listahan ng Gale Warning:
-
Eastern Coast of Cagayan
-
Isabela
-
Aurora
-
Northern Quezon including Polillo Islands
-
Camarines Norte
-
Northern Coast of Camarines Sur
-
Northern and eastern coasts of Catanduanes
-
Eastern Coast of Albay
-
Eastern coast of Sorsogon
-
Northern Samar
-
Eastern Samar
-
Eastern Coast of Southern Leyte
-
Dinagat Islands
-
Eastern Coast of Surigao del Norte
Read more:
2 LPA, hanging amihan nagpapaulan sa bansa; ‘walang pasok’ inanunsyo sa ilang probinsya
Gerald Anderson nagpaabot ng donasyon sa mga biktima ng bagyong Odette
Beatrice Gomez muling nanawagan ng tulong para sa mga biktima ni Odette: We cannot make them wait
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.