2 LPA, hanging amihan nagpapaulan sa bansa; ‘walang pasok’ inanunsyo sa ilang probinsya
DALAWANG Low Pressure Area (LPA) na nagpapaulan sa ating bansa ang kasalukuyang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa press briefing ng PAGASA ngayong January 5, “Magdala po ng payong sa southern Luzon, Visayas at parte ng Mindanao dahil po sa low pressure areas na ating mino-monitor sa ngayon.
Sey ng weather forecaster na si Benison Estareja, “As of 3 in the morning, nasa labas na po ng area of responsibility itong low pressure area na malapit po sa Palawan…at patungo na sa pagitan ng southern Vietnam at Malaysia.”
“Samantala, ang low pressure area malapit sa may eastern Visayas…nagpapaulan din sa may Southern Luzon and Visayas,” aniya.
Bagamat magiging maulan ngayong linggo, ang good news naman ng ahensya ay hindi raw inaasahang magiging bagyo ang dalawang sama ng panahon.
“Itong dalawang low pressure areas, mababa ang tsansa na maging bagyo at itong low pressure area sa gitnang bahagi ng ating bansa ay posible na ring malusaw ngayong araw base na rin sa ating satellite animation,” sabi ni Estareja.
Dagdag niya pa, “Magandang balita po dahil hanggang weekend ay wala tayong inaasahan na bagyo na papasok sa ating Philippine area of responsibility.”
Pinaalala ng weather bureau na hindi lang LPA ang magpapaulan sa ilang lugar dahil mayroon ding northeast monsoon o hanging amihan na paniguradong magdadala din ng mga ulan.
Ayon sa PAGASA, “Subalit, sa mga susunod po na araw ay iiral pa rin ng malakas na amihan or northeast monsoon na siyang magdadala ng pag-ulan at malamig na panahon.”
At dahil daw sa hanging amihan ay itinaas na ng ahensya ang “gale warning” o babala ng matataas na alon sa ilang mga karagatan sa Luzon at Visayas.
Sey ng weather forecaster, “Sa ngayon, dahil doon sa amihan, meron pa rin tayong gale warning sa malaking baybayin ng Luzon at eastern Visayas.
“Hanggang five meters po ito ‘no o halos dalawang palapag ng gusali ng alon ang mararanasan.”
Narito ang mga listahan ng mga lugar na may gale warning:
-
Batanes
-
Cagayan
-
Isabela
-
Ilocos Norte
-
Ilocos Sur
-
La Union
-
Pangasinan
-
Zambales
-
Aurora
-
Eastern coast of Northern Quezon, including Polillo Islands
-
Camarines Norte
-
Northern Coast of Camarines Sur
-
Catanduanes
-
Eastern coast of Albay
-
Eastern coast of Sorsogon
-
Western coast of Palawan
-
Northern Samar
-
Eastern Samar
As of January 5, kinansela na ng ilang mga paaralan sa probinsya ang kanilang klase dahil sa masamang panahon at patuloy na mga pag-ulan.
Heto ang listahan ng mga walang pasok:
ALL LEVELS
-
Camarines Sur
-
Albay
-
Bacacay
-
Camalig
-
Daraga
-
Legazpi
-
Libon
-
Guinobatan
-
-
Laguna
-
Bay
-
Cavinti
-
Famy
-
Lumban
-
Luisiana
-
Mabitac
-
Majayjay
-
Pakil
-
Pangil
-
Siniloan
-
Santa Maria
-
SELECTED LEVELS
-
Camarines Norte
-
San Vicente (Preschool to senior high school)
-
Read more:
NDRRMC: 6 nawawala sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.