NDRRMC: 6 nawawala sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan | Bandera

NDRRMC: 6 nawawala sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan

Pauline del Rosario - December 26, 2022 - 05:20 PM

NDRRMC: 6 nawawala sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan

ANIM ang naiuulat na nawawala sa Eastern Visayas, habang mayroon pang 32,422 na indibidwal ang apektado dahil sa patuloy na pag-uulan at baha.

Base sa latest progress report ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), lima ang missing sa Northern Samar at ang isa naman ay nawawala sa Leyte.

Dahil naman sa nararanasang matinding pagbaha sa Eastern Samar ay mag mga bahay na ang naitatalang napinsala.

Ayon sa NDRRMC, dalawa ang “partially” destroyed at dalawa din ang “totally” destroyed.

Bukod diyan ay nagkaroon ng limang “maritime accidents” o aksidente sa karagatan sa Northern Samar at Leyte.

Kung maaalala ay naglabas na ng babala ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong December 25 tungkol sa itinaas nilang “Gale Warning” o babala ng mga matataas na alon sa ilang mga baybayin.

Bawal pumalaot ang mga maliliit na bangka sa Batanes, Babuyan island, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Burias Island, Albay, Sorsogon, Romblon, Marinduque, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan, Zambales, Batangas, Mindoro Provinces, Lubang Island, Palawan (including Calamian, Cuyo,and Kalayaan Islands), Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte, Negros Provinces, Guimaras, Iloilo, Capiz, Antique, Aklan, Bohol, Cebu, Dinagat Islands, Siargao Islands, Bucas Grande Islands, at Surigao del Sur.

Wala namang binabantayang bagyo sa bansa, pero dulot ng “shearline” at hanging amihan ang mga nararanasang pag-ulan at malamig na panahon.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paggamit ng AstraZeneca vaccine sa Pilipinas, tuloy na

Xian Lim ‘pinagsabihan’ ng netizens matapos magmotor sa kasagsagan ng bagyo at baha

DOJ pinabulaanang nawawala ang rape case folder ni Vhong Navarro: Records are still intact

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending