Paggamit ng AstraZeneca vaccine sa Pilipinas, tuloy na
Inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng AstraZeneca vaccines sa mga indibidwal na nag-eedad 60 anyos pababa.
Ayon sa pahayag ng DOH, ito ay dahil sa wala namang nai-report na blood clotting ang mga nabakunahan na sa bansa.
Matatandaang pansamantalang itinigil ng DOH ang paggamit ng AstraZeneca matapos maiulat sa ibang bansa ang insidente ng blood clotting.
Bagama’t walang naiulat na blood clotting sa Pilipinas, nagpalabas pa rin ng guidelines ang DOH.
Dapat ay magkaroon ng post-vaccination surveillance ang lahat ng vaccination sites para bantayan kung may masamang epektong nararamdaman ang mga naturukan ng naturang bakuna.
Dalawang milyong bakuna ng AstraZeneca ang inaasahang darating sa bansa sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.