Hanger ni Heart pinagtripan ng netizens: Kung ganito pamalo ng nanay ko, wala akong karapatang umaray | Bandera

Hanger ni Heart pinagtripan ng netizens: Kung ganito pamalo ng nanay ko, wala akong karapatang umaray

Alex Brosas |February 20,2022
facebook
share this

Hanger ni Heart pinagtripan ng netizens: Kung ganito pamalo ng nanay ko, wala akong karapatang umaray

Alex Brosas - February 20, 2022 - 07:06 AM

Heart Evangelista

GRABE ang reaction ng mga netizens sa latest post ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram account.

Just recently, ipinost ni Heart ang tatlong hanger. Nothing extraordinary. 

But wait…Chanel lang naman ang brand ng hanger na ipinost ni Heat kaya naman kaliwa’t kanang reaction ang nagging result anito.

Imagine, pati ba naman hanger ni Heart ay sosyal.

Anyway, narito ang ilang nakatutuwang reactions ng followers ni Heart sa kanyang Instagram account.  

“Kapag ako nahampas ng hanger na ito magpapasalamat pa ako.”

“Kung di ganito hanger namin walang karapatan si mama na paluin ako.”

“Sinampal na naman ako ng kahirapan, pati ba naman hanger branded. Akin nga tig 20 lng sa palengke pamalo pa sa pwet.”

“Kung ganyan man lang ipapalo saken ni mama why not HAHAHAHA joke lang po.”

“Pag itong hanger nato ang pinaLo sayo ng mama mo. (Dun mo maLaLaman gaano ka nya ka MAHAL).”

“Pinamukha na naman po sa akin ni Madam Heart kung gaano ako kahampas lupa AND IT’S TOTALLY FINE.”

“Pag yan hinanger sa labas ung damit maiiwan ung hanger ung mawawala.”

“Willing ako magpapalo basta gantong hanger.”

“Kung ganito lang pamalo ng Nanay ko sakin dati, wala ako karapatang umaray.”

“Ano susunod nito Ms @iamhearte tabo at baldi na Dior or LV?? ramdam ko na naman ang pagka slap soil ko.”

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


* * *

Sumiklab ang galit nina Miko Raval at Jake Cuenca sa isang eksena.  Nagkaharap sila muli. Dala ng selos at pride, nauwi sa suntukan ang pagkikita nina Dan (Miko Raval) at Troy (Jake Cuenca) matapos marinig ng pangalawang ama ni Rica (Charlie Dizon) ang tungkol sa ibinigay na trust fund at kwintas ng mayor.

Sinabi ni Troy kay Dan na may karapatan siyang ibigay siguraduhin ang magandang kinabukasan ng anak at hindi dapat ito hadlangan ng lalaki. Ang hindi niya alam ay wala naman alam si Dan tungkol sa mga ibinigay niya. 

Pakiramdam naman ni Dan ay naloko siya nina Kakay (Dimples Romana) at Rica sa paglilihim sa kanya. Hindi nga niya napigilan sigawan si Rica nang tanungin siya nito paglabas nila ng bahay nina Troy.

Ano kaya ang gagawin ni Dan para lumayo sa mga Ramones? Ano naman kaya ang mararamdaman ni Raven (Kaila Estrada) kapag nalaman niyang lumalapit sina Troy at Audrey kay Rica pagkalabas niya ng rehab?

Samantala, ibinahagi nina Charlie at Kaila kung paano nila tinutulungan ang isa’t isa sa mga eksena lalo na sa trending na harapan nila sa palabas kung saan sinugod ni Raven ang kapatid sa Balai Arkitektura at sinisi si Rica sa pagkasira ng kanyang pamilya.

Ikinuwento rin niya kung gaano kaimperpekto ang kanilang pamilya. 

“Sa totoo lang grabe yung kaba namin ni Charlie bago kunan yung eksena na yun and matagal namin siyang pinag-usapan at pinaghandaan kaya sobrang nakakatuwa  nakakatuwa na worth it lahat kasi natuwa ang mga tao,” saad ni Kaila sa eksklusibong interview nila sa “TV Patrol.”

Dagdag naman ni Charlie, “Parehas kay Kaila, totoo po na kinabahan kami bago yung eksena na yun. As in bago nun, ilang gabi namin binabasa yung script na yun.”

Sa katunayan, palagi pa raw humihingi ng payo si Kaila kay Charlie lalo pa at una niya itong teleserye. 

“Actually lagi kami ni Charlie kapag nagbo-bonding kami lagi ko siyang tinatanong. As in lagi ko siyang tinatanong sa eksena. Paano kung hindi mo nararamdaman, anong ginagawa mo? As in lagi ko siyang hinihingan ng advice,” sabi niya. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Viral Scandal” ay sa direksyon nina Dado Lumibao at Froy Allan Leonardo at napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel.

Alden may hugot sa ‘chain reaction’ machine; Ken paboritong pahirapan ng GMA

Lovi, Janine bibida sa isang GL story; magkakaroon kaya ng ‘steamy’ scenes?

Kim may nakakalokang hugot sa pagkatalo ni Rabiya sa Miss U

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending