Guro patay matapos mahulog sa bangin ang school bus | Bandera

Guro patay matapos mahulog sa bangin ang school bus

Pauline del Rosario - November 07, 2022 - 02:21 PM

Guro patay matapos mahulog sa bangin ang school bus

PNA photo

PATAY ang isang guro matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang school bus sa Orani Bataan.

Ayon sa Department of Education (DepEd), pauwi na sana ng Quezon City ang 141 na mga public teacher nang biglang maaksidente ang isa sa tatlo nilang bus.

“One of the participants, a teacher of Payatas B Elementary School, was declared dead on arrival at the Orani District Hospital due to a fatal injury,” saad sa isang pahayag.

Nanggaling daw ang mga guro sa isang seminar na inorganisa ng ahensya.

Base sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang 11:20 a.m. noong Sabado, November 5.

Sakay ng naaksidenteng bus ang 48 na pasahero nang bigla ito nawalan ng preno pagdating sa matarik na bahagi ng kalsada.

Nahulog ang sasakyan sa bangin na may lalim na 15 meters.

Agad rumesponde ang mga awtoridad sa lugar, pero idineklarang “dead on arrival” ang isang guro.

Hindi naman bababa sa 20 ang sugatan at kasalukuyan silang ginagamot sa ilang ospital sa Bataan.

Sa isang pahayag, nangako ang DepEd at lokal na pamahalaan ng QC na sasagutin nila ang medical expenses ng mga nasaktan sa insidente, habang magbibigay sila ng financial assistance para sa mga naiwang pamilya ng nasawing guro.

Kasalukuyan ding nasa kustodiya ng mga pulis ang drayber ng nahulog na bus.

Samantala, nanawagan ang Quezon City Public School Teachers Association para sa malalimang imbestigasyon sa nangyari.

Read more:

American rapper Aaron Carter natagpuang patay sa loob ng bahay

48 patay, 40 sugatan sa pananalasa ng bagyong Paeng, 22 katao pa ang nawawala

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binansagang ‘dirtiest man in the world’ patay matapos paliguan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending