Binansagang ‘dirtiest man in the world’ patay matapos paliguan | Bandera

Binansagang ‘dirtiest man in the world’ patay matapos paliguan

Pauline del Rosario - October 29, 2022 - 05:49 PM

Binansagang ‘dirtiest man in the world’ patay matapos paliguan

File photo taken on December 28, 2018. AFP

PATAY sa edad 94 ang isang Iranian na binansagang “dirtiest man in the world” o pinakamaruming tao sa mundo matapos paliguan.

Siya si Amou Haji o mas kilala bilang “Uncle Haji” na naninirahan sa Dajkah, isang maliit na nayon sa Iran.

Pumanaw si Uncle Haji noong October 23 at iniulat ito ng Islamic Republic News Agency (IRNA).

Base sa mga nakalap naming impormasyon, ilang dekada nang hindi naliligo si Haji dahil sa paniniwalang siya’y magkakasakit kapag naging malinis.

“If he cleans himself, he will get sick,” sabi sa report ng IRNA.

Bukod pa riyan, hindi rin siya kumakain ng mga “fresh food” dahil sa parehong dahilan ng kanyang ‘di pagligo.

Kwento pa ng Iranian news agency na kahit kakaiba ang paniniwala ni Haji, mabait at mataas pa rin daw ang respeto sa kanya ng mga kasamahan sa village.

Sa katunayan nga raw ay ilang beses na nilang sinubukang paliguan si Haji pero lagi raw itong tumatakas.

Pero kamakailan lang nga ay napaliguan na nila ito sa kauna-unahang pagkakataon, ngunit bigla raw itong nagkasakit matapos ang ilang buwan at tuluyan nang binawian ng buhay nitong Oktubre.

Ulat ng news agency, “For the first time a few months ago, villagers had taken him to a bathroom to wash.

“Not long after, he fell ill and… He gave up his life.”

Dahil marami ang naging curious kay Haji, ginawan pa siya ng documentary life story film noong 2013 na pinamagatang “The Strange Life of Amou Haji.”

Samantala, may nasasagap din kaming tsismis na matapos ang pagkamatay ni Haji ay posibleng maipasa ang kanyang titulo na “World’s Dirtiest Man” sa isang Indian na hindi rin naliligo at nagsisipilyo ng ngipin ng ilang dekada.

Siya si Kailash ‘Kalau’ Singh na ayon sa 2009 report ng Hindustan Times ay dahil raw ito sa pagmamahal umano sa kanyang bansa.

Sabi raw ni Kalau na maliligo lang daw siya kapag natapos na ang mga problema na kinakaharap ng kanyang bansa.

Read more:

3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok

Indonesian na may ‘British accent’ viral sa TikTok, may milyon-milyong likers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Teacher sa Aklan game maging ‘babysitter’ sa anak ng Grade 9 student: I pay so much respect for young mothers who go to school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending