3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok Bandera

3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok

Pauline del Rosario |October 24,2022
share this

3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok

Pauline del Rosario - October 24, 2022 - 07:43 PM

3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok

PHOTO: Screengrab from Rebecca Binalla’s TikTok makeup tutorial

VIRAL sa social media, lalong-lalo na sa video sharing app na TikTok ang isang “kikay kid” mula Pasay City.

‘Yan ay matapos niyang ibandera ang nakatutuwa niyang “makeup tutorial.”

Siya ang 3-year-old baby na si Rebecca Binalla o in short ay si “Rebbie” na bibong-bibo na nagpakitang-gilas sa galing niyang mag-makeup!

Biruin ninyo, sa murang edad ay “makeup is life” nga naman ang kanyang peg.

Mapapanood sa viral video na talagang “step-by-step” na itinuturo ni Baby Rebbie kung ano ang mga kailangan ilagay sa mukha – mula sunscreen, foundation, concealer, lipstick, at eyeshadow.

Kinatuwaan din ng maraming netizens ang pagiging presentable nito sa video na tila nakikipag chikahan pa sa kanyang viewers.

@rebbiegirlMy makeup tutorial! 🤣😂💄

♬ A commercial song featuring a light whistle and ukulele(833940) – 8th Color

Nakachikahan ng BANDERA ang mommy ni Rebbie na si Dindin Binalla at nakwento nga niya na kahit siya ay nagulat sa kanyang anak, dahil wala raw siyang ideya na may talento pala na mala-vlogger si baby.

Kwento niya, “Nasa kwarto po kaming dalawa noon and napansin ko po na pinakialaman niya po ‘yung bag ko na may laman na makeup and brushes, tapos kausap niya po sarili niya sa salamin while applying products on her face.

“So I asked her kung gusto niya po na i-video namin, and pumayag naman po siya.

“So ayun po, when I started my phone’s camera, nag-start na po siyang mag-vlog na parang tutorial style po.

“Hindi ko po akalain na magagawa niya po.”

Nabanggit rin sa amin ni mommy na kaya raw siguro natuto si Rebbie pagdating sa makeup dahil nakikita raw ito sa kanya bilang isang “makaup artist.”

Chika ni mommy, I am a part-time makeup artist po, and siguro po nakikita niya ako lagi kapag nagre-ready sa umaga and naisama ko na rin po kasi siya minsan sa mga makeup clients ko.

“I think that is how she became interested at na-familiarize ‘yung sarili niya sa steps ng makeup.”

Ipinagmalaki naman ni mommy Dindin na walang nagturo kay Rebbie pagdating sa vlogging.

“Sa pagvvlog naman po wala po nagturo sa kanya sa bahay, deretso na po kasi sya magsalita and very bibo kid so parang natural po sa kanya yung dumaldal sa camera po,” aniya.

Feeling proud din siya as parent dahil maraming napasaya ang kanyang anak.

Sabi niya, “Nagulat po kami kasi we posted it for good vibes lang and hindi namin akalain na overnight dumami po yung views and nadagdagan po followers niya.

“Kami po kasi sanay na kami sa kanya na madaldal and kung anu-anong talent pinapakita.

“Hindi kami makapaniwala how amazed the netizens are kasi nga po sa amin normal na nya yun.

“We feel proud of her po.”

Bagamat marami ang napasaya ni baby Rebbie, nabanggit din ng kanyang mommy na nakakatanggap ng ilang pangba-bash ang video.

Ayon kay mommy Dindin, “Since makeup artist po ako, knowledgeable ako sa safety ng products at hindi rin naman po araw-araw nagme-makeup si Rebbie.

“But some are really unforgiving sa comments nila.

“Some of them say sana kids makeup ung pinagamit ko, but studies say yung kids makeup na nabibili sa toy stores contain carcinogens and toxic chemicals, especially po pag made in China.”

As of this writing, umaani na ang viral video ng mahigit 7.6 million views at mahigit 710,000 likes.

Read more:

Indonesian na may ‘British accent’ viral sa TikTok, may milyon-milyong likers

P5k budget ng magdyowang nagpakasal sa Rizal viral na; wedding ring nabili sa halagang P999

Letter na nagpaiyak sa mga netizens viral na: ‘Hindi ko man kagustuhan, sorry Panda…’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending