Letter na nagpaiyak sa mga netizens viral na: 'Hindi ko man kagustuhan, sorry Panda…' | Bandera

Letter na nagpaiyak sa mga netizens viral na: ‘Hindi ko man kagustuhan, sorry Panda…’

Pauline del Rosario - October 04, 2022 - 06:52 PM

VIRAL sa social media ang isang liham na isinulat para sa nais kumupkop sa inabandonang aso na si Panda.

Sa Twitter, ibinahagi ng isang netizen ang litrato ng iniwang aso malapit sa City Hall ng Mandaluyong City.

Makikitang itinali sa isang sulok ng gate si Panda, habang nakasabit naman sa kanyang tali ang nasabing letter.

Ang nakasulat sa liham, “Kuya/Ate, kung sino man ang makabasa nito, sana po alagaan niyo po ng maayos ang aso ko.”

Ipinaliwanag rin nito kung bakit niya inabandona si Panda, “Kaya ko po ginawa ito dahil nagagalit si mama sa kanya.”

“Hindi ko man kagustuhan,” saad pa niya.

Base naman sa netizen na nakakita kay Panda, dinala niya ito sa Philippine Pet Birth Control Center Foundation na nasa Boni Ave.

Ilang oras lamang, may nag-comment na sa post at sinabing may nag-adopt na kay Panda.

“Panda will be adopted by a lady who also runs a shelter.”

“He will be with the owner as one of her fur babies,” dagdag pa niya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

TikTok prayer viral na: ‘Para sa mga nasisi pa kahit ‘yung kabiyak nila ang unang nangwalanghiya…Our Lady Heart Evangelista, please pray for us…’

Mala-fairy tale love story ng viral couple na sina Viktoria Cupay at Nick Baldo ‘happy ang ending’, ikinasal na sa US

Viral na lalaki sa peryahan totoong ipinaglihi kay Jericho Rosales; magiging model-endorser na rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending