Viral na lalaki sa peryahan totoong ipinaglihi kay Jericho Rosales; magiging model-endorser na rin | Bandera

Viral na lalaki sa peryahan totoong ipinaglihi kay Jericho Rosales; magiging model-endorser na rin

Ervin Santiago |August 18,2022
facebook
share this

Viral na lalaki sa peryahan totoong ipinaglihi kay Jericho Rosales; magiging model-endorser na rin

Ervin Santiago - August 18, 2022 - 08:52 AM

Junrey Bauh at Jericho Rosales

KNOWS n’yo ba na totoo palang ipinaglihi kay Jericho Rosales ang lalaking nag-viral kamakailan dahil kamukhang-kamukha niya ang award-winning actor?

Instant star ngayon si Junrey Bauh na taga-Monkayo, Davao de Oro matapos ngang kumalat sa social media ang kanyang litrato kung saan makikita nga ang malaking pagkakahawig niya kay Echo.

Ang photo ni Junrey ay kuha raw sa isang peryahan sa Davao de Oro at base nga sa mga nabasa naming comments ng netizens sa socmed, pwedeng-pwedeng gumanap na kakambal o double ni Jericho ang binata.

Kuwento ng mga kapamilya ni Junrey, talaga palang ipinaglihi ang binata ng kanyang ina kay Echo noong ipinagbubuntis pa lamang niya ito.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” ipinakita ang tirahan ng ka-look-alike ng award-winning actor sa Monkayo, Davao de Oro at dito nga nakapanayam ang tatay ni Junrey na si Jesus.

Aniya, talagang pinanonood ng kanyang misis ang lahat ng programa at pelikula ni Jericho sa TV noong ipinagbubuntis nito si Junrey.

“Kakain siya dadalhin niya talaga diyan malapit sa TV ang pagkain,” chika ni Mang Jesus.

Sabi naman ng sister ni Junrey na si Myrna, sa kanilang walong magkakapatid, tanging si Junrey lang ang naiba ang hitsura.

Sa katunayan pa nga, makikita sa labas ng kuwarto ni Junrey ang malaking poster ni Echo na binili raw talaga ng kanyang ina.

Naikuwento rin ng mga kapamilya ng binata na noon pa man ay heartthrob na si Junrey sa kanilang school at madalas ding mag-join sa mga pageant.

At alam n’yo ba, bukod sa pagkakahawig mahilig din daw si Junrey sa mga motor tulad ni Echo at sa murang edad ay natuto na agad magtrabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, nang dahil sa kanyang viral photo ala-Echo, may kumuha na sa kanyang mga kumpanya para maging endorser ng kanilang mga produkto. Kaya hindi na rin imposible kung isang araw ay mapanood na rin natin siyang umaakting tulad ni Echo.

Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas

Jericho nagpumilit maging dishwasher sa isang bar: Kasalanan n’yo, e…malakas kayong uminom

Kalook-alike ni Jericho Rosales pinagkaguluhan habang namamasyal sa isang park sa Davao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending