Teacher sa Aklan game maging ‘babysitter’ sa anak ng Grade 9 student: I pay so much respect for young mothers who go to school | Bandera

Teacher sa Aklan game maging ‘babysitter’ sa anak ng Grade 9 student: I pay so much respect for young mothers who go to school

Pauline del Rosario - October 20, 2022 - 04:26 PM

Viral teacher 'babysitting

Viral teacher ‘babysitting” (PHOTO: Facebook/Neme Guanco)

LAGANAP sa bansa ang tinatawag na “teenage pregnancy” o mga batang nabubuntis.

Ayon pa nga sa 2020 data ng Commission on Population and Development o PopCom, umaabot ng mahigit 56,000 ang mga maagang nabubuntis sa bansa – kabilang na riyan ang mga nasa edad sampu hanggang labindalawa.

Gaya nalang ng isang guro sa Aklan na kinaantigan ang viral Facebook post na nag ala “babysitter” pa siya sa kanyang klase.

Kwento pa ni Teacher Neme Guanco sa caption, isang oras siyang naging “yaya” sa anak ng kanyang Grade 9 student sa New Washington National Comprehensive High School.

It’s my duty, Babysitter for an hour,” sabi sa caption.

Patuloy pa niya, “I pay so much respect for young mothers who go to school and take care of their kids…shout out for those young moms out there! 

“Fight for the hindrances that may come your way, problems are just temporary, have faith in God.”

Bukod sa FB post, nakapanayam din ng BANDERA si teacher Neme at tinanong namin sa kanya ang ilang impormasyon tungkol sa viral post.

Naikwento ng guro sa amin na 16 years old pa lang ang ina ng sanggol, at sa tuwing pumapasok daw ito sa paaralan ay lagi niyang kasama ang kanyang baby.

Sinabi rin ni Teacher Neme, pati siya ay naaawa sa kanyang estudyante lalo’t nakikita niya kung gaano ito nahihirapan sa pag-aaral.

Kaya raw bilang isang guro at pangalawang magulang ng kanyang estudyante, naisipan niyang tumulong sa simpleng paraan.

Kwento ng guro, “Tuwing papasok siya sa paaralan ay dala-dala niya ang kanyang siyam na buwang sanggol.

“Kadalasan ay nahihirapan siyang sumulat at makinig sa kanyang mga guro dahil kailangan niyang ituon ang kanyang pansin sa kanyang anak sa tuwing ito ay umiiyak o nagugutom.”

Patuloy pa niya, “Isang napaka swerteng ganap sa kanyang buhay na Meron siyang mababait at matulungin na mga guro na naka-unawa sa kanyang kalagayan.”

Sinabi niya rin na saludo siya rito dahil matiyaga nitong ginagampanan nang sabay ang pagiging estudyante at nanay.

Aniya, “Saludo ako sa mga kabataang nagpapakita ng determinasyon at tiyaga para itaguyod at isabay ang pag-aaral at pag-aalaga ng kanyang sanggol.”

Nagbigay rin siya ng payo upang maiwasan ang “teenage pregnancy” na ayon sa kanya ay dapat ginagabayan ng mga magulang at kinakausap nang mabuti.

Sey ni Teacher Neme, “Kailangang sa mga magulang magsimula ang tamang disiplina at gabay para sa kanilang mga anak.

“Ipaliwanag sa kanila ang  tamang gawain ng matatanda, ipaliwanag sa kanila na ang pakikipagtalik ay sagrado at ito ay ginagawa lamang ng mga taong nasa tamang edad at  kasal na.

“Gabayan at ipaliwanag sa kanila na sa kinatatayuan nila ngayon ay hindi pa sila handa para dito.

“Dapat Silang mag sunog ng kilay para makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay gumanda ang kanilang kinabukasan.”

Sinabi rin samin ng guro na masaya raw siyang nag-viral ang kanyang post dahil sa pamamagitan nito ay naparating niya na dapat hindi ikinahihiya sa lipunan ang pagiging “teen mom.”

Sa halip raw ay dapat silang respetuhin at suportahan dahil matinding pagsubok ang kinakaharap nila ngayon sa buhay.

Ayon kay teacher, “Nagamit ko ang platform ng social media para maipakita ang respeto at suporta sa mga kabataang nakararanas ng matinding  pagsubok sa kanilang buhay.

“Bumangon Sila sa kanilang pagkakadapa, ayusin ang sarili, manalig sa Diyos at huwag mawalan ng pag-asa.”

Read more:

Mug shots nina Mark Anthony Fernandez at Juanito Remulla viral na; netizens nakakaloka ang mga hirit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Indonesian na may ‘British accent’ viral sa TikTok, may milyon-milyong likers

Grade 3 students nag-viral habang tutok na tutok sa ‘Maria Clara at Ibarra’; GMA may bonggang pasabog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending