Grade 3 students nag-viral habang tutok na tutok sa ‘Maria Clara at Ibarra’; GMA may bonggang pasabog
HINDI maikakailang hooked na hooked na ang buong sambayanan sa GMA historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”
Patunay rito ang mataas na ratings gabi-gabi ng seryeng pinagbibidahan nina Barbie Forteza bilang Klay, Julie Anne San Jose bilang Maria Clara at Dennis Trillo bilang Ibarra.
Consistent trending topic din ang serye noong pilot week at kabi-kabilang positive reviews and feedback ang natatanggap nito mula sa viewers at netizens.
Last week ay nag-trending sa Twitter ang Maria Clara at Ibarra for five consecutive nights. Nakakuha ng libu-libong tweets ang mga hashtag na #MCIAngSimula, #MCINoliYarn, #MCITinola, #MCIKlayMeetsIbarra, at #MCIAngKaaway.
Puro positive comments din ang natatanggap ng naturang primetime series mula sa netizens.
View this post on Instagram
Mas lalo pang naantig ang viewers matapos mag-viral sa social media ang post ng isang guro kung saan makikitang nakatutok ang kanyang Grade 3 students sa isang episode ng “Maria Clara at Ibarra.”
Ayon kay Teacher Charlaine Alyssa Sese, “Although wala pa silang Noli Me Tangere, kahit papano nagkaka-idea na sila. Ang dami nilang tanong about sa past. Nakakatuwa lang po kasi seryoso silang nanonood, talagang interested sila.”
Umpisa pa lang ‘yan pero marami na talagang nakatutok sa paglalakbay ni Klay sa mundo ng nobela ni Dr. Jose Rizal.
Sama-samang subaybayan ang past with a twist sa “Maria Clara at Ibarra” mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Telebabad.
* * *
Maging isa sa dalawang daily winner ng P5,000 sa panonood lang ng GMA Telebabad gabi-gabi at abangan ang Kapuso Lucky Numbers of the Day.
Simula October 10 hanggang November 4, ugaliing tumutok sa GMA Telebabad programs – “Maria Clara at Ibarra,” “Start-Up PH,” at “What We Could Be” – at abangan ang paglabas ng mga cast member na magbibigay ng Kapuso Lucky Numbers of the Day.
Ipadala ang lumabas na Kapuso Lucky Numbers of the Day sa promo website. Ang isang sagot ay katumbas ng isang entry. Maaring magpadala ng higit pa sa isang entry.
Para makasali at magpadala ng entries, pumunta sa www.gmanetwork.com/KapusoLuckyNumbersoftheDay at ilagay ang inyong sagot, buong pangalan, kumpletong tirahan, birthday, email address, at mobile number.
Ang lahat ng entries na ipinadala sa oras ng GMA Telebabad mula 8 p.m. hanggang 10:30 p.m. ay pasok sa electronic raffle na gagawin tuwing Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.