Mug shots nina Mark Anthony Fernandez at Juanito Remulla viral na; netizens nakakaloka ang mga hirit | Bandera

Mug shots nina Mark Anthony Fernandez at Juanito Remulla viral na; netizens nakakaloka ang mga hirit

Reggee Bonoan - October 17, 2022 - 11:05 PM

Juanito Jose Diaz-Remulla lll at Mark Anthony Fernandez

VIRAL sa social media ang mug shot ng aktor na si Mark Anthony Fernandez at ng anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Diaz-Remulla III na parehong sangkot sa isyu ng marijuana.

Transporting marijuana ang kaso ni Mark na nahuli ng PNP sa checkpoint noon sa Pampanga taong 2016 at kinunan siya ng drug test at positibo siya sa marijuana pero negatibo siya sa paggamit ng shabu. Nakulong noon ang aktor.

Ikinagulat ng PDEA Chief na si Aaron Aquino noong 2017 na in-acquit ng korte si Mark.

Anyway, nitong Oktbure 11 ay nahuli si Juanito Jose Diaz-Remulla III ng mga operatiba ng Interdiction Task Group ng Las Piñas City for alleged possession of suspected kush (cannabis) na aabot sa P1.3 million na galing sa ibang bansa.

Sa anak ni Ginoong Boying Remulla naka-address ang package na tinanggap niya mula sa Amerika.

Anyway, kaya nag-viral ang mug shots ng dalawang personalidad ay sa dahilang si Mark na kilala bilang aktor ay pinag-drug test samantalang si Juanito Jose ay hindi kinunan ng drug test ayon sa PDEA at ipinagdiinan nilang walang special treatment.

Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon ay tumanggi raw ang batang Remulla sa drug testing base sa advice ng kanyang abogado.

Ang nakita naming titulo sa mug shots na nag-viral ay, “A tale of two mug shots. Same case violation of RA 9165 Son of DOJ Secretary vs an actor/ordinary citizen.”

Si Juanito Jose ay nakatakip ang mukha samantalang si Mark ay ipinakita. Ginawa na lang laughing stock ng netizens ang pagkakaiba ng dalawang personalidad.

Say ni @Rean Arcigal, “Yung isa kasi pogi, ‘yung isa dehins kaya tinago na lang.”

Sabi naman ni @Dulce Elaine Mendoza, “Isang malaking patawa sa sistema ng hustisya!”

Mula kay @Mia Estanislao-Enriquez, “Desurv nman po takpan un isa.”

Gayun din ang paniniwala ni @Proud KakamPink Forever, “Patunay lang to na Malaki ang pagkakaiba ng Mahirap Ordinaryong Tao sa Politiko Mayaman at Makapangyarihan.”

Sabi ni @Liza EC, “Difference. Hi Grade Imported vs local.”

Sabi ni @Penny Lane, “Ang pinaka tamang rason dyan ay Kapag maimpluwesyang pamilya ang nahuhuli ay sinusunod ang batas pero kapag simpleng tao lang ay babaliin ang batas at ibinabalandra ang mukha sa media upang ipahiya sa buong mundo. Ganun ang batas sa Pinas.”

Ang opinyon ni @Du Fong, “Kung may magkakapareho sa dalawa yun ay Ang pagiging abswelto. Hehehe laya n KC ngaun sa Mark at masayang pagala gala Hindi malayong Jan din hahantong Ang kaso ng baby boy ng mga Remulla. Nyahahha.”

Bukas ang BANDERA sa panig ni Justice Secretary Boying Remulla tungkol sa mga komento ng netizens tungkol sa kanyang anak.

Robinhood Padilla nais gawing legal ang paggamit ng medical marijuana

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yorme ipinagtanggol ni Remulla sa mga hubad na litrato: Hindi siya nagnakaw at wala siyang pinatay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending