Inang namatayan ng 3 anak: Durog na durog ako, patawarin n’yo si Mama
BUMUHOS ang pakikisimpatya mula sa mga netizens para sa isang inang nagluluksa sa sabay-sabay na pagkamatay ng tatlo niyang anak.
Nakiramay kay Myla Santillana ang napakaraming social media users nang makita at mabasa ang ipinost niya sa Facebook tungkol sa malagim na sinapit ng tatlong menor de edad na anak.
Sa FB status ni Myla noong October 20, makikita ang litrato ng kanyang mga anak na may makabagbag-damdamin at makabasag-pusong mensahe.
“Patawarin ninyo sana si Mama sa lahat lahat mga anak ko. Walang kasing sakit. Mahal na mahal ko kayo,” pahayag ni Myla.
Nauna rito, nagbahagi rin ang ginang ng kanyang saloobin kalakip ang isa pang litrato ng kanyang mga anak. Sabi niya sa caption, “Malupit ang Diyos niyo, sobrang lupit!”
Baka Bet Mo: Ana Jalandoni walang tigil ang pag-iyak sa harap ng press: Hindi ko deserve ‘to ipaglalaban ko ang sarili ko!
Patuloy pa niya, “Hindi ko talaga kaya. Anong malaking kasalanan ko para parusahan ako ng ganito??? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam. Sobrang sakit. Walang kasing sakit. Durog na durog ako. Bakit mga anak ko??”
Isa namang Shara Maling ang nagpakilalang pinsan ni Myla ang nagbahagi ng nalalaman niya tungkol sa nangyari sa mga bata.
“Good day, all. I am knocking on all your hearts to seek help for my cousin, Ate Myla, and the immense tragedy their family is going through right now,” ani Maling.
“On October 19, 2024, at around 11 pm, Bunjoy (10 yo), KL (6 yo), Liway (3 yo), and Mikyla/Mikmik (2 yo) were going home from attending a relative’s 40-day memorial service,” paglalahad niya.
Ang tatay umano ng mga biktima na si Michael ang nagmamaneho ng tricycle nang sila ay mabangga ng isa pang motorsiklo.
“They were all rushed to the hospital but unfortunately, Marcus, KL, and Mikmik sustained extreme injuries and did not make it,” kuwento pa ni Maling.
Pahayag pa niya, nakaligtas ang isa pang anak nina Myla at Michael matapos siyang protektahan ng kapatid na si Markus. Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nagkakamalay si Michael, na nasa kritikal na kundisyon.
“The tremendous grief their family is going through is unexplainable, and we are knocking at your generous hearts to help their family pay for the piling medical expenses, and the life they must continue to live after this tragic event.
“And lastly, we ask for your prayers for Myla, Michael, and Liway, and the rest of their families as they try to navigate through these trying times. Thank you very much,” pahayag pa ni Maling na nagbigay din ng mga kaukulang numero para sa mga nais tumulong sa pamilya Santillana.
Base sa report ng pulisya, naganap ang aksidente noong October 19 sa Santa Rosa, Nueva Ecija.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.