Tulfo Brothers nagluluksa sa pagpanaw ng inang si Mommy Caring
NAGLULUKSA ang Tulfo brothers na sina Ramon, Ben, Erwin, at Raffy sa pagkawala ng kanilang ina na si Caridad Teshiba-Tulfo, o mas kilala bilang si “Nanay Caring”.
Siya ay namayapa nitong Martes, August 27, 2024 sa edad na 97.
Sunud-sunod nga ang naging social media post ng magkakapatid na Tulfo para magbigay tribute sa namayapa nitong ina.
Unang nag-post si Erwin sa kanyang Facebook page ng larawan kung saan makikitang nakatingin siya sa inang nakahiga sa hospital bed.
“Bye Mom…. Thank you for bringing us into this world. We will never forget your love and sacrifices for us.
“Thank you for teaching us how to help the needy and fight for the helpless. Thank you so much Mom. We love you. Till we meet again,” saad ni Erwin sa kanyang caption.
Baka Bet Mo: Anak ipina-Tulfo ang ama dahil kulang ang allowance na ibinibigay
View this post on Instagram
Maging si Senator Raffy Tulfo ay nag-post ng kanyang mensahe ng pamamaalam sa ina.
“Dear Mommy, There are no words to describe how very thankful I am to you for bringing me into this world.
“I am not going to be who I am today if not for your love and care that you unselfishly showered upon me since the beginning of my life.
“Paalam, Mommy. Mahal na mahal po kita!” saad ni Sen. Raffy.
Sa kanyang Facebook post naman ay inalala ni Ramon Tulfo kung anong klaseng ina si Mommy Caring sa kanilang magkakapatid.
“I recall Mom would let beggars into our home and feed them even if there was not much food on the table for her 10 children. Mom would pawn her jewelry to lend to the wives of my father’s soldiers who cried for help for their sick children,” panimula niya.
“Most of the loans never got paid but Mom never complained. She would say we were more blessed than the welshers and that it was our duty to share whatever blessings we had. So if you catch me or my siblings doing acts of charity or defending the poor and downtrodden in public these are not put-on. Likas sa amin ang tumulong sa aming kapwa,” dagdag pa ni Ramon Tulfo.
Relihiyoso rin daw ang kanilang ina na siyang namana ng karaniwan sa kanilang magkakapatid. Madalas rin daw itong mag-donate ng kanyang pera sa mga charitaable institutions.
Sa huli, bagamat amy lungkot sa pagkawala ng ina ng Tulfo brothers, naniniwala si Ramon na masata na ito sa langit kasama ang kanilang ama pati na rin ang namayapa niyang anak sa langit.
Aniya, “Mommy, please say hello to God and all the saints in heaven. Say hello to Dad, our brother Felix, our grandparents from both sides, your brother Yoshio, your sisters Flora and Conching and all your other departed relatives and friends.”
Ibinahagi naman ni Erwin ang detalye patungkol sa burol ng kanilang ina.
“We, the children of Caridad Teshiba Tulfo, with heavy hearts wishes to inform everyone that our beloved mother has joined our Creator today , August 27, 2024 due to natural causes.
“Mommy Caring, is survived by her children, Ramon Jr. , Tuchi, Wanda, Ben, Bong, Joseph , Raffy, Erwin and Edel with her daughters and sons in law , grandchildren, and great grandchildren.
“Her body will be laid in state at the Sanctuarium at the corner of Araneta and Quezon Avenue, Quezon City starting on Wednesday, August 28 at 6pm.
“She will be laid to rest at the Heritage Memorial Park, Taguig on Sunday, September 1 at 11am.”
Naulila ni Caridad ang kanyang mga anak na sina Ramon Jr., Tuchi, Wanda, Ben, Bong, Joseph, Raffy, Erwin, at Edel; gayundin ang kanyang mga manugang at apo.
Pakiusap naman ng pamilya Tulfo sa mga makikiramay na imbes na maghandog o mag-alay ng mga bulaklak ay magbigay na lamang ng donasyon sa religious at charitable institutions na kinabibilangan ng kanilang ina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.