Anak ipina-Tulfo ang ama dahil kulang ang allowance na ibinibigay

Anak ipina-Tulfo ang ama dahil kulang ang allowance na ibinibigay

Therese Arceo - April 26, 2024 - 08:45 PM

Anak ipina-Tulfo ang ama dahil kulang ang allowance

DUMULOG ang isang babae sa programa ni Sen. Raffy Tulfo upang ireklamo ang kanyang ama dahil P200 lang ang ibinibigay nitong allowance imbes na P500 kada araw.

Nitong Huwebes, April 11, nagpunta ang Senior High School student na si Alexandra Ortega sa tanggapan ng “Raffy Tulfo in Action” kasama ang kanyang inang si Liza Vergara pa ireklama ang umano’y kulang na sustento ng ama sa kanyang pag-aaral.

Si Liza ay ang dating partner ni Rolando at mayroon silang apat na anak. Sa apat na ito ay tanging si Alexandra na pang ang nag-aaral dahil ang iba ay may kanya-kanya nang pamilya.

Noon raw ay nagkasundo sila na P500 ang ibibigay na baon kay Alexandra ngunit unti-unti raw nawala ang sustento ni Rolando.

Baka Bet Mo: Bettor na 20 beses nanalo sa lotto sa loob ng 1 buwan buking ni Tulfo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Last niyang bigay no’ng Sabado ₱200 lang po, hanggang ngayon wala na po,” pagbabahagi ni Liza.

Ayon naman kay Rolando, noon namam ay P500 talaga ang kanyang ibinibigay sa anak.

“₱500 daily ang binibigay ko po rito sa anak ko. Kaya po ganyan lang kasi budget lang po niya sa pag-aaral ‘yun kasi sagot ko naman ‘yung ilaw, tubig, at [upa sa] bahay, paliwanag ni Rolando.

Dagdag pa niya, “No’ng Sabado kasi araw ng boundary ko ‘yung kasi naglalabas ako sa Grab. No’ng araw na ‘yun, hindi ako nakapag-boundary ng umaga kasi ₱7000 ‘yung boundary ko.

“No’ng hapon wala pa akong pera talaga. Eh sabi niya [Alexandra] gagamitin niya sa pamasahe at saka pagmeryenda nasa school yata siya no’n. Tapos sabi ko ito na lang munang ₱200 kasi walang laman ‘yung GCash ko kaya ito na lang munang ₱200 […] Kinabukasan, Linggo ‘yun, nagpadala ako ng ₱700.”

Ani Ronaldo, umaabot ng mula ₱5000 – ₱6000 kada linggo ang ibinibigay niya sa kanyang anak.

Ngunit depensa ni Alexandra, hindi naman daw niya ito nakukuha nang buo at nasa P4000 na lang ang nakukuha nila.

“Nagipit ka ngayon kasi may babae ka na. Noon alam mo ‘yan sa sarili mo na ang laki ng binibigay mo kasi malakas kang kumita. Totoo ‘yun, ₱6000 talaga ang lingguhang budget namin kasi may nag-aaral ako, lahat namin doon kinukuha.

“Magkasama pa kami lahat no’ng anak ko na lalaki na may asawa na. Ngayon kasi sa nangyayari, ‘yung ₱6000 kumokonti nagiging ₱4000 na lang hanggang sa nagbibigay na lang siya ng ₱1,500,” sey pa ni Liza.

Balik naman ni Ronaldo, paiba-iba kasi ang halaga ng kita niya lalo na’t may dinaramdam rin siya.

Paalala naman ni Atty. Cruz, hindi lang si Rolando ang may responsibilidad na buhayin at ibigay ang pangangailangan ni Alexandra.

“Hindi lamang po obligasyon ng tatay na pag-aralin, sustentuhan, or bigyan po ng pangkain, bubong na tutulugan ang mga anak, ayan din po ay responsibilidad din ng isang ina,” saad ng abogado.

Nangako naman si Rolando na magbibigay ng P500 kada araw sa anak at pumayag na rin naman si Alexandra na ok na siya kung magkano lang amg kayang ibigay ng ama.

“Mahal na mahal ko kasi ‘yan. Gusto ko siya mag-aral, matapos. Hindi dapat humantong sa ganito. Ayokong magkahiyaan tayo rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siya na lang ang nag-iisang anak ko na gusto kong makatapos kaya pinagsikapan ko na igagapang ko siya. Pangako sa kaniya igagapang ko ‘yung pag-aaral niya. Pangarap kong makatapos siya,” umiiyak na sabi ni Rolando.

Tumayo naman si Alexandra at niyakap ang ama.

“Wala naman po akong galit sa kaniya. Nag-thank you pa nga po ako sa kaniya kasi gusto ko po maka-graduate kasi po gusto kong suklian lahat ng mga ginastos niya po sa akin, sina ni Mama. Thank you po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending