Ana Jalandoni walang tigil ang pag-iyak sa harap ng press: Hindi ko deserve ‘to ipaglalaban ko ang sarili ko!
BUMUHOS ang luha at emosyon ni Ana Jalandoni nang humarap sa ilang members ng entertainment media sa unang pagkakataon pagkatapos umanong mabugbog ni Kit Thompson.
Hirap na hirap magsalita ang sexy actress habang sinasagot ang mga tanong tungkol sa mga nangyari sa kanila ng hunk actor noong March 18 sa isang hotel sa Tagaytay City.
Ayon sa dalaga, hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang takot at trauma na dulot ng pananakit at pananakot sa kanya ng kanyang boyfriend.
Kasama ni Ana ang kanyang tatay na si Lawrence at kapatid na si Marie Jalandoni pati na ang tatlo niyang legal counsel sa naganap na presscon.
View this post on Instagram
Kinumpirma ng mga abogado ni Ana ang pagsasampa kay Kit ng kasong paglabag sa “Section 5 (a) of the Republic Act 9262 or the Anti-Violence against Women and Children Act” dahil sa pinaggagawa nito sa dalaga.
Matagal bago nakapagsalita si Ana nang tanungin kung ano ang mga maaari niyang ibahagi sa masaklap na nangyari sa kanila ni Kit habang pareho silang lasing dahil nga simula pa lang ng presscon ay iyak na ito nang iyak.
Diretsahang sinabi ng sexy actress na selos ang ugat ng pananakit sa kanya ni Kit dahil feeling daw ng binata ay iiwan din niya ito tulad ng ginawa niya sa kanyang ex-husband.
Kinumpirma rin niya na hindi ito ang unang beses na sinaktan siya ni Kit. Pinatawad na niya noon ang aktor nang mag-sorry ito pero alam naman daw niya na mali ang ginawang pananakit sa kanya nito. Kaya nang maulit nga ito at malagay sa panganib ang kanyang buhay ay desidido na si Ana na ituloy ang demanda kay Kit para sa hustisya na kanyang ipinaglalaban.
“Hindi ko deserve ‘yung nangyari sa akin. Kailangang ipaglaban ko ang sarili ko,“ pahayag ng dalaga habang patuloy ang pag-iyak.
Ipinagdiinan din niya na walang third party involved sa nangyari sa kanila ni Kit kaya hindi raw totoo ang naglabasang tsismis na may ibang lalaki siya kaya nagwala sa galit ang boyfriend niya.
Inamin naman niya na ikinasal siya noong 2017 sa Amerika pero natapos daw agad ito taong 2018.
Bukod sa two counts of violence against women, nagsampa rin ng kasong illegal detention at frustrated homicide ang Tagaytay police laban kay Kit.
Sa huli, inamin ni Ana na mahal pa rin niya si Kit pero ibang usapan na raw ang isinampa niyang mga kaso laban dito.
https://bandera.inquirer.net/308787/ana-jalandoni-naididilat-na-ang-mata-matapos-mabugbog-binura-na-ang-mga-litrato-ni-kit-sa-ig
https://bandera.inquirer.net/308540/kit-thompson-mahal-pa-rin-daw-ni-ana-jalandoni-pero-mapatawad-pa-kaya-ang-nakakulong-na-dyowa
https://bandera.inquirer.net/308581/kit-thompson-balak-nang-pakasalan-si-ana-jalandoni-mahal-na-mahal-niya-yung-girl-pero
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.