American rapper Aaron Carter natagpuang patay sa loob ng bahay | Bandera

American rapper Aaron Carter natagpuang patay sa loob ng bahay

Pauline del Rosario - November 06, 2022 - 10:48 AM

American rapper Aaron Carter natagpuang patay sa loob ng bahay
PUMANAW na ang American rapper at dating child star na si Aaron Carter.

Siya ay 34 years old.

Ayon sa ulat ng entertainment outlet na TMZ ngayong araw, November 6 (oras sa Pilipinas), ay natagpuang patay ang rapper sa kanyang bahay sa Lancaster, California.

Ayon sa pulisya, nakita ang bangkay sa bathtub bandang 10:58 a.m. pero hindi nila ito kaagad nakilala.

Hanggang ngayon ay wala pang detalye sa sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay at patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aaron Carter (@aaroncarter)

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Aaron ay kapatid ng Backstreet Boys member na si Nick Carter.

Si Aaron ay ipinanganak noong December 7, 1987 sa Tampa Florida.Nagsimula siyang sumikat noong dekada nobenta sa edad na siyam kasabay ng kanyang first album na hango sa kanyang pangalan.

Sa murang edad ay nakakuha na siya ng “gold record” award para sa first album.Matagumpay rin ang kanyang second album na “Aaron’s Party (Come Get It) na nakabenta ng tatlong milyong kopya at diyan nagsimula ang pagbansag sa kanya bilang “teen heartthrob.”

Naging platinum naman ang kanyang third album na “Oh Aaron.”

Siya ang nagpasikat sa mga kantang “Crush On You,” “Crazy Little Party Girl,” “I’m All About You,” at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aaron Carter (@aaroncarter)

Nagkaroon pa siya ng ilang TV appearances sa ilang preteen shows ng Nickelodeon at Disney, kabilang na riyan ang sikat na “Lizzie McGuire,” “Sabrina,” “The Teenage Witch,” at marami pang iba.

Subalit kalaunan, habang siya’y nagkaka-edad na ay naging sentro siya ng tsismis, lalo na’t hindi itinago ni Aaron sa publiko ang kanyang drug addiction.

Ilang beses siyang nagpa-rehab at naaresto.Matatandaan din nitong taon lamang nang ma-interview siya ng British tabloid newspaper na Daily Mail at inilarawan ang sarili na ilang beses na raw nasira ang buhay.

Sey niya, “I am not how some people try to paint me.

“If somebody wants to call me a train wreck, well I’ve been a train that’s been wrecked multiple times and derailed by many different things.”

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Danny Javier nag-iwan ng ‘special gift’ sa madlang pipol bago pumanaw

Bassist ng The Dawn na si Mon Legaspi pumanaw na sa edad 54

Nanay ni Daryl Ong pumanaw na: Ganito pala ang pakiramdam mawalan ng ina…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending