Robi Domingo, Maiqui Pineda engaged na | Bandera

Robi Domingo, Maiqui Pineda engaged na

Therese Arceo |November 05,2022
facebook
share this

Robi Domingo, Maiqui Pineda engaged na

Therese Arceo - November 05, 2022 - 12:16 PM

Robi Domingo, Maiqui Pineda engaged na
READY nang i-level up ng Kapamilya host na si Robi Domingo ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda.

Nitong Biyernes ng gabi, November 4, na-shookt ang madlang pipol nang ibahagi ni MJ Felipe ang video ng proposal ng Kapamilya host sa karelasyon na naganap sa Shibuya crossing sa Tokyo, Japan.

Matatandaang kasalukuyang nagbabakasyon sina Robi at Maiqui sa Japan kasama ang iba pang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Ria Atayde, at Zanjoe Marudo.

Bago pa man ang naturang proposal ng TV host-vlogger ay nasabi na nitong ready na siya to settle down sa isang interview.

“I think I’m ready to have that certain level up in our relationship. So yes, napag-uusapan siya. Kasi nasabi ko rin sa kanya ito a couple of weeks before. Wala man akong market, may forever naman ako.”

Samantala noong May 2021 nang unang ibahagi ng binata ang kanilang future plans together ni Maiqui nang ma-interview siya ni Kathryn sa pilot episode ng TGIS segment niya sa kanyang YouTube channel.

Pagbabahagi ni Robi, “We’ve been talking about it for some quiet time now. Lalong-lalo na we are not getting any younger and ‘yun naman na ‘yung inaayos ko ngayon. In the coming years, you would be one of the first people who would know kung I would be bending the knee. I am so excited for that one.”

Dagdag pa niya, “Ang paniniwala ko, ove is serendipitous. Kapag dumating ‘yung tamang tao sa tamang panahon, for me ‘yon ang perfect love. Kasi pwedeng dumating ‘yung tamang tao, pero marami ka pang kagustuhan before or iba ‘yung priorities mo, responsibilities mo. May mga gusto ka pang maabot sa sarili mo lang. That’s okay. Tapos may dumarating din na pagkakataon pero hindi naman siya ‘yung perfect na tao, ‘yung tamang tao para sa iyo.”

At talagang tinotoo ni Robi ang pangako kay Kathryn dahil isa nga ito sa mga nakasaksi nang mag-propose siya kay Maiqui kasama ang iba pang kaibigang nagbabakasyon sa Japan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maiqui P (@maiquip_)

September 2018 nang unang kumalat ang balitang na nasa dating stage na sina Robi at Maiqui samantalang 2019 nang nagsimula na ang binatang ibandera ang kanilang pictures together tanda ng pagsasapubliko nito ng kanilang relationship.

Related Chika:
Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robi umaming selosong dyowa: Parang napapraning ako!

Robi may 2 rason kung bakit hindi pa pwedeng pakasalan si Maiqui: Hindi lang yan puro ‘I love you’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending