Robi may 2 rason kung bakit hindi pa pwedeng pakasalan si Maiqui: Hindi lang yan puro 'I love you' | Bandera

Robi may 2 rason kung bakit hindi pa pwedeng pakasalan si Maiqui: Hindi lang yan puro ‘I love you’

Ervin Santiago - June 06, 2021 - 10:43 AM

NAGBIGAY ng dalawang rason ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo kung bakit hindi pa sila maaaring magpakasal ng kanyang girlfriend na si Maiqui Pineda.

Totoong napag-uusapan na nila ang kanilang future at pagbuo ng sariling pamilya ngunit may ilan pang mahahalagang bagay silang dapat ikonsidera bago i-level up ang kanilang relasyon.

Ngayong darating na Agosto ay magse-celebrate na sina Robi at Maiqui ng kanilang third anniversary as a couple kaya sa nakaraang virtual mediacon ng Kapamilya reality variety show ng TV host na “Aja! Aja! Tayo sa Jeju” ay natanong nga siya kung may balak na silang magpakasal.

“We have plans naman, of course, but we are not rushing into those kinds of things lalong lalo na sa panahon ngayon kasi the petty reason is we want everyone to celebrate with us, all the people who are close to us. 

“The second reason is, ang pagpapakasal naman, para sa akin hindi lang naman I love you now. Ano yan, I love you now, I love you tomorrow and forever at ang kaakibat ng pagmamahal na yun is securing your financials so kailangan handang-handa tayo doon,” pahayag ni Robi.

Samantala, sa virtual gathering nga ng “Aja! Aja! Tayo sa Jeju” cast na kinunan talaga sa Korea, inamin ni Robi na talagang siya ang tumayong kuya sa mga kasamahan niya sa show kabilang na nga sina Donny Pangilinan, Kristel Fulgar at Shine Kuk. 

Nagsimulang umere ang programa nitong Marso sa Kapamilya channel at A2Z kung saan nagtungo ang grupo nina Robi sa Jeju island, South Korea para doon sumabak sa iba’t ibang challenges habang pinag-aaralan ang kultura sa isla at ugali ng mga tagaroon.

“It’s so nice I guess kasi we always have fun with the situation. I know the crew, cast, and the creatives, but I didn’t know what was going to happen. 

“What makes the show interesting yung kulitan ng grupo eh. Dun ako natuwa. I did not really know Kristel, Shine, and si Donny konting konti lang because of work. 

“Pero when we got things going, nagulat ako na swak pala yung mga personalities namin. So that’s the best thing about being a kuya, you get to see the growth and development of everyone,” lahad ni Robi.

Samantala, bilib na bilib din ang binata sa ganda at kalinisan ng Jeju island, “When we went to Korea, sobrang linis. Wala kang kalat na makikita du’n, so hopefully we can have that certain trait nila na to be responsible sa mga kalat mo.

“And they’re so organized and one thing about the Korean culture is that they really love their local products. 

“Tsaka yun yung binibida nila, if we have that kind of level katulad nila, I’m sure maa-appreciate sa buong mundo. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa pagkain I love Korean chicken. We had that one in Jeju as well tapos with a certain drink. Sobrang sarap niya talaga. I had that experience with Kristel and Shine at the airport but I just forgot the name. Korean beef stew, yun ang sunod kong favorite,” chika pa ni Robi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending