VP Leni kay Rep. Boying Remulla: Kung may pruweba, ilabas na
NAGSALITA na ang presidential candidate na si VP Leni Robredo ukol sa naging pahayag ni Cavite 7th District Rep. Boying Remulla na diumano’y “bayaran” ang mga dumalo sa nangyaring people’s rally sa Cavite noong Biyernes, March 4, 2022.
Sa kanyang naging pahayag sa “Kandidatalks” ay sinagot ng kasalukuyang bise presidente ang mga paratang sa kanya ni Remulla na binayaran ng P500 ang mga dumalo sa rally.
Aniya, walang katotohanan ang mga akusasyon na ibinabato sa kanya ng kongresista.
“Wala din kami pambayad at hindi namin yun gagawin, kasi kung magbabayad kami ng mag-a-attend, sino yung niloloko namin di ba? Sarili din namin yung niloloko namin. Mas mabuti yung organic yung pumupunta dahil yun yung naa-assess mo kung gaano ka kalakas,” saad ni VP Leni.
Nakakalungkot rin daw ang namgyayari dahil tila hindi napahanalagahan ang mga mamamayan ng Cavite dahil sa mga paratang ni Remulla.
“Pero ako nalulungkot ako na magre-resort sa ganito, na hindi pinapahalagahan yung dignidad ng mga taga-Cavite. Eto, kung kung may pruweba, eh di ilabas yung pruweba, pero huwag naman yung basta, basta mag-aaccuse na very irresponsible,” pagpapatuloy ni VP Leni.
Dagdag pa niya, “Tapos yung sabwatan, coalition ba sabwatan, ewan kung anong term yung ginamit, ano yung basis. Ako wala kong nakita at all, ng any indication na pwede kaming, ma-accuse na nakikipagsabwatan kami.”
Ayon pa sa kanya, insulto ito sa mga tao lalo na at kusang loob silang nagpunta at nagpagod para dumalo sa nasabing rally.
“Insulto sa mga province-mates, nandun ako. Nandun ako, nakita ko yung energy level ng tao, from start to finish. Pag bayad yata, hindi yun ganun. Wala naman akong nakitang mga truck o mga bus na nagdadala sa mga tao. In fact, papunta dun nakita ko andaming naglalakad,” sey ni VP Leni.
Nagsimula ang usaping ito dahil sa naging pahayag ni Remulla sa kanyang panayam sa DZRH 666 KHz noong Sabado, March 5.
Aniya, “Sa syudad ng Cavite, may politiko ba nagbabayad ng limang daan sa bawat aattend. Tapos may jeep, tapos meron silang staging area, may t-shirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous jasi naka-uniporme. Hinahakot e.”
Dagdag pa niya, “Kagabi, ginastusan nila ‘yun. Siguro mahina-hina ‘yung anim hanggang walong milyon kasi desperado na. Kasi ang survet sa Cavite, 64-15.”
Dito ay binanggit niya na Ng 64% ng mga galing sa Cavite ay kay Bongbong Marcos ang suporta samantalang ang 15% daw ay para kay VP Leni Robredo.
Related Stories:
Yorme ipinagtanggol ni Remulla sa mga hubad na litrato: Hindi siya nagnakaw at wala siyang pinatay
Cavite Governor Jonvic Remulla at Manila Mayor Isko Moreno, bati na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.