Mga kalansay natagpuan sa construction site ng DOJ
MAY kababalaghan na natagpuan sa construction site sa loob ng compound ng Department of Justice sa Padre Faura sa Maynila.
Habang busy ang mga construction worker sa kanilang trabaho ay may nakita silang mga kalansay!
Natagpuan ang mga buto kahapon, November 24, habang hinuhukay ang kinatatayuan ng dating building na kung saan located ang library ng DOJ.
WATCH: Authorities recovered skeletal remains at a construction site inside the Department of Justice in Manila. @inquirerdotnet pic.twitter.com/ZkanDhuFT7
— tetch torres-tupas (@T2TupasINQ) November 24, 2022
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isasailalim sa pagsusuri ang natagpuang kalansay upang mas mabigyang linaw kung gaano na katanda ito, at pati na rin ang pagkakakilanlan.
“We will have the same examined by the NBI,” sey ng DOJ chief sa media.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may natagpuang kalansay sa loob ng DOJ main office.
Matatandaang noong 2005 ay may narekober na limang bungo at mga buto ng tao sa construction site na kung saan ay kinatatayuan na ngayon ng Forum Building.
Nauna nang sinabi ng isang administrative official na ang DOJ building ay dating “garrison” o naging kampo ng mga sundalong Hapon noong unang panahon ng giyera.
Related chika:
Anak ni DOJ Chief Remulla umapela ng ‘not guilty’ sa kasong drug possession
PDEA pinayagang hindi magpa-drug test ang naarestong anak ni DOJ Chief Remulla
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.