PDEA pinayagang hindi magpa-drug test ang naarestong anak ni DOJ Chief Remulla | Bandera

PDEA pinayagang hindi magpa-drug test ang naarestong anak ni DOJ Chief Remulla

Pauline del Rosario - October 16, 2022 - 01:33 PM

mugshots of drug suspect Juanito Jose Diaz Remulla III

PDEA on Friday released these mugshots of drug suspect Juanito Jose Diaz Remulla III, the 38-year-old son of Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

HINDI isasailalim sa “drug test” ang inarestong anak ni Justice Secretary Boying Remulla na si Juanito Diaz Remulla III.

Sinabi ‘yan mismo ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa kabila ng paninindigan ng ahensya na hindi bibigyan ng “special treatment” ang anak ng kalihim.

Matatandaang noong October 11 ay nahuli si Juanito ng mga awtoridad matapos kunin ang isang parcel sa Las Piñas City na naglalaman ng isang kilong “high-grade” marijuana na may halagang mahigit isang milyong piso.

Ayon sa tagapagsalita ng PDEA na si Derrick Carreon, tumanggi ang suspek na mag-drug test dahil ito ang payo ng kanyang abogado.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, pwedeng madagdagan ang kasong kriminal laban sa isang suspek kapag lumabas na nagpositibo ito sa drug test.

Ito kasi ay isang paglabag sa Republic Act No. 9165 Section 15 (paggamit ng mapanganib na droga) o “Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002” na may parusang anim na buwang “drug rehabilitation” para sa mga first-time offenders.

Sinabi din ni Carreon na hindi nila isasailalim sa “mandatory” drug testing si Juanito dahil kaagad namang nakipag-ugnayan ang abogado nito sa kanila.

“A drug test will likewise not be material to [the other drug charges he is facing],” sey ng spokesperson.

Juanito Jose Diaz Remulla III

Juanito Jose Diaz Remulla III

Nitong Biyernes, Oct. 14, kinasuhan ng Las Piñas City prosecutor’s office ang 38-year-old na si Remulla para sa paglabag sa RA 9165 Section 11 o “illegal possession of drugs” at wala itong piyansa.

Bukod pa riyan, nahaharapan din siya sa reklamong paglabag sa RA 9165 Section 4 o “illegal importation of drugs” na may parusang multa mula P500,000 hanggang P10 milyon.

Read more:

#BoyingResign: Netizens galit kay DOJ Chief Remulla matapos mahulihan ng ‘high-grade’ marijuana ang anak

Depensa ni Jonvic Remulla sa pamimigay ng pera sa Uniteam sortie: BBM was not mentioned

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

VP Leni kay Rep. Boying Remulla: Kung may pruweba, ilabas na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending