DOJ chief Remulla sa mga natagpuang kalansay: A probable archaeological site…this might be war time
PANSAMANTALANG pinatigil ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang ginagawang konstruksyon sa loob ng compound ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura, Manila.
‘Yan ay matapos matagpuan ang mga buto sa isang construction site kamakailan lang.
Ayon pa sa DOJ Secretary Remulla na posibleng panahon pa ng giyera ang mga narekober na mga buto.
Sey ng kalihim, “So we’re looking at this as a probable archaeological site. Baka, this might be war time.”
Dagdag pa nya, “We already talked to the construction people so that when they take the cement layer, if they see any sign, stop muna ‘yung work, let them do their work as anthropologists and archaeologists.”
Ayon naman sa Anthropologist na si Tess De Guzman, kailangan pa nilang suriin ang mga buto kung talagang maituturing na isang “archaeological site” ang lugar.
“We need to see first, investigate the social context of the area since there’s a problem, the remains have been transported, so we need to study again,” sey ni De Guzman said.
Noong Huwebes, November 24, nang madiskubre ang tatlo hanggang limang set ng mga kalansay sa compound ng ahensya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may natagpuang kalansay sa loob ng DOJ main office.
Matatandaang noong 2005 ay may narekober na limang bungo at mga buto ng tao sa construction site na kung saan ay kinatatayuan na ngayon ng Forum Building.
Nauna nang sinabi ng isang administrative official na ang DOJ building ay dating “garrison” o naging kampo ng mga sundalong Hapon noong unang panahon ng giyera.
Related chika:
Mga kalansay natagpuan sa construction site ng DOJ
Anak ni DOJ Chief Remulla umapela ng ‘not guilty’ sa kasong drug possession
PDEA pinayagang hindi magpa-drug test ang naarestong anak ni DOJ Chief Remulla
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.