Laang Kawal todo-sulong sa seguridad, kapakanan ng reservists

Laang Kawal Partylist suportado sa Mindanao, todo-sulong sa kapakanan ng reservists

Jan Escosio - March 31, 2025 - 05:23 PM

Laang Kawal Partylist suportado sa Mindanao, todo-sulong sa kapakanan ng reservists

PHOTO: Facebook/Laang Kawal ng Pilipinas Partylist #149

PATULOY na pinalalakas ng Laang Kawal Partylist ang kanilang adbokasiya sa Mindanao sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang sektor upang suportahan ang seguridad at kapakanan ng mga reservist.

Kasabay nito, binibigyang-pansin din ng partido ang pangangailangan ng mga lokal na komunidad, kabilang ang pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng sibilyan at sandatahang lakas.

Sa isang mahalagang pagpupulong na pinangunahan ni Mayor Juhir Esmail, lumahok ang mga kinatawan mula sa Mashala Allah Incorporated, Southern Mindanao Sangil Tribe Association, Banana Sitio Mangko Incorporated, mga lider ng katutubong pamayanan, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Community, at Public Market Vendor Livelihood Association.

Sa naturang talakayan, tinalakay ang seguridad sa mga komunidad at ang pangangailangang palakasin ang mga programang susuporta sa pangkabuhayan ng mga residente.

Baka Bet Mo: Col. Noel Detoyato: Minsang tinig ng AFP, ngayo’y tagapagtaguyod ng Laang Kawal Party-list

Ayon kay Lt. Col. Jannette Chavez-Arceo, ikatlong nominado ng partido, mahalagang bigyang-pansin hindi lamang ang pambansang depensa kundi pati ang kabuuang kapakanan ng mamamayan.

“Hindi lamang sa sandata nasusukat ang isang matatag na bansa. Ang seguridad ay nangangahulugan din ng edukasyon, hanapbuhay, at isang komunidad na may kapanatagan sa kinabukasan,”  sey niya.

Dagdag naman ni Col. Noel Detoyato, ikalawang nominado ng partido, ang kapayapaan at kaayusan ay pundasyon ng maunlad na bayan.

“Hindi tayo maaaring umasa lamang sa lakas-militar. Ang tunay na seguridad ay nagmumula sa isang ligtas at maunlad na komunidad kung saan may tiwala ang mga tao sa gobyerno at sa isa’t isa,” paliwanag niya.

Samantala, binigyang-diin ni Lt. Col. Jaime Roberto Almario, unang nominado ng partido, ang kahalagahan ng mga reservist sa pambansang seguridad.

“Malaki ang papel ng ating mga reservist sa pagpapanatili ng kaayusan at pagtugon sa mga sakuna. Nararapat lamang na mabigyan sila ng sapat na pagkilala, benepisyo, at oportunidad upang mas mapalakas ang kanilang kontribusyon sa bansa,” wika niya.

Sa Surallah, South Cotabato, ipinakilala ang Laang Kawal Partylist, na agad namang nakatanggap ng matibay na suporta mula sa mga residente.

Isa sa mga nagpahayag ng pagsuporta si Billy James Cash, na binigyang-diin ang kahalagahan ng mga ipinaglalaban ng partido.

“Buong puso kong sinusuportahan ang Laang Kawal Partylist at ang kanilang mga nominado, lalo na si Congressman Bob Almario, na itinuturing kong kapatid. Sisiguraduhin kong ang mga nais maging reservist ay matatanggap ang kanilang nararapat na benepisyo. Ito ay maisasabatas at maipatutupad para sa lahat,” aniya.

Habang patuloy na ipinaglalaban ng Laang Kawal Partylist ang kapakanan ng mga reservist at seguridad ng bansa, nananatili silang nakatuon sa pakikipagtulungan sa mamamayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa lumalawak na suporta mula sa publiko, determinado silang isulong ang mga programang magpapalakas sa pambansang depensa at magbibigay ng higit na pagkilala sa mahalagang papel ng mga reservist sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending