Cavite Governor Jonvic Remulla at Manila Mayor Isko Moreno, bati na Bandera

Cavite Governor Jonvic Remulla at Manila Mayor Isko Moreno, bati na

Chona Yu |April 24,2021
share this

Cavite Governor Jonvic Remulla at Manila Mayor Isko Moreno, bati na

Chona Yu | April 24,2021 - 04:17 PM

Cavite Gov. Jonvic Remulla (kaliwa) at Manila Mayor Isko Moreno

Nagkabati na sina Cavite Governor Jonvic Remulla at Manila Mayor Isko Moreno.

Base sa tweet ni Remulla, sinabi nito na peace na sila ni Mayor Isko at mag-move on na.

“Guys tigil na. Wala kaming away ni Yorme. Peace na kami so let’s move on,” pahayag ni remulla.

Ikinagalit ni Remulla ang komento ni Moreno na wala umanong natanggap na ayuda ang mga taga-Maynila na na-relocate sa Naic, Cavite bunsod ng pandemya sa COVID-19.

Sinabi ni Remulla na masayadong mayabang si Moreno.

Hindi pinatulan ni Moreno ang mga banat ni Remulla.

Sa ngayon, naayos na ang sigalot ng dalawang opisyal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending