Manila ‘outdoor frontliners’ binalaan ni Isko sa 41°C na init

PINAG-IINGAT ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang kanyang “outdoor frontliners” na mag-ingat dahil sa inaasahanhg napakainit na panahon sa Metro Manila.
Partikular na binanggit ni Domagoso ang mga tauhan ng Department of Public Services, Manila Traffic and Parking Bureau, Engineering Department, Estero Rangers, Pasig Rangers, at ang mga nakatalaga sa kahabaan ng Roxas Boulevard na nakabilad sa araw.
“Mag-iingat kayo, eh. Lagi niyong iisipin, kailangan niyong pangalagaan din ang inyong sarili,” bilin ni Domagoso.
Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga pulis-Maynila na mag-ingat sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.
Ang inaasahan na 41°C na temperatura ay nasa “extreme caution level” na maaring magdulot ng heat stroke at pulikat kung matagal na nakabilad sa araw.
Nagbilin din si Domagoso na palaging uminom ng tubig.
“Huwag kayong matatakot na ihi kayo nang ihi, basta uminom kayo ng marami,” dagdag bilin pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
