Pag-inom ng alak (nang di sobra) pampahaba ng buhay | Bandera

Pag-inom ng alak (nang di sobra) pampahaba ng buhay

- March 12, 2018 - 08:00 AM

NAKAGISNAN na ng mga Pinoy ang pahayag na ang pansit ay pampahaba ng buhay kaya inihahanda ito kapag merong may birthday.

Pero mukhang hindi pansit kundi alak ang nakikitaan ng potensyal ng siyensya para humaba ang buhay ng tao.

Maaari kang umabot sa edad na 90 sa pamamagitan ng regular pero hindi labis-labis na pag-inom ng alak tuwing gabi.

Ang mga mananaliksik ng University of Ca-lifornia, Irvine ang nagsagawa ng ‘The 90+ Study’ kung saan pinag-aralan nila ang mga regular na ginagawa ng may 1,700 nonagenarians at ang epekto nito sa kanilang kalusugan.

Ang mga kasali sa pag-aaral ay binibisita tuwing ika-anim na buwan ng mga researcher upang magsagawa ng neurological at neuropsychological test.

Mayroon ding mga participant na binibigyan ng cognitive at physical test upang malaman kung sino sa kanila ang gumagana nang maayos ang katawan.

Tumagal ng 15 taon ang pag-aaral na nagsi-mula noong 2003.

Lumabas dito na sa pag-inom nang hindi bababa sa dalawang baso ng wine o beer ay nakatutulong upang bumaba ang hindi inaasahang pagkamatay ng 18 porsiyento.

Ang mga “slightly overweight” naman ay bumaba ang tyansa na mamatay nang maaga ng tatlong porsiyento.

Bumaba rin ng 11 porsiyento ang tyansa na mamatay ng bata kung mayroon itong 15 hanggang 45 minutong regular na ehersisyo.

Kung gagawin namang dalawang oras kada araw ang ehersisyo ay bababa naman ng 21 porsiyento ang posibilidad na mamatay nang maaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa The 90+ Study ay lumabas din na ang mga taong nasa 70s at overweight ay nabubuhay nang mas mahaba kaysa sa mga tao na normal ang timbang o underweight.

Ang pag-inom ng kape ay isa ring factor sa pagpapahaba ng buhay ayon sa pag-aaral.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending