Dennis Christian Hilanga Archives | Page 3 of 15 | Bandera

Dennis Christian Hilanga Archives | Page 3 of 15 | Bandera

SEA Games: Cash incentive para sa binyag, diaper at future ni baby

SUBIC, ZAMBALES – KARGA ang bagong silang na sanggol at taimtim na nananalangin sa gilid habang pinanonood ang nobyo sa pabilisan ng pagsagwan, halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Irish Pepito. Ilang daang metro ang layo mula sa kinatatayuan ng kasintahan, tumatakbo sa isip ni Hermie Macaranas habang nasa laot ang munting anghel na bigay ng […]

SEA Games: Matapos ang apat na subok, first canoe gold nabingwit

SUBIC BAY FREEPORT – MATAPOS ang apat na subok sa biennial meet ay nakuha na ng Pilipinas ang gintong medalya sa canoe. Walang pagsidlan ang tuwa ni Hermie Macaranas nang daigin sa pabilisan ng pagsagwan ang mga katunggali mula Myanmar, Vietnam at Indonesia Sabado ng tanghali sa Malawaan Park dito. Tinapos ng Filipino SEA Games […]

SEA Games: 3 ginto sinagwan ng PH rowing team

SUBIC BAY FREEPORT – SUMAGWAN ng tatlong gintong medalya ang Philippine rowing team sa 2019 Southeast Asian Games Sabado sa Triboa Park dito. Ibinulsa nina Melka Jean Caballero, 23 at Joanie Delgaco, 21, na parehong mula Camarines Sur ang ginto sa lightweight double sculls sa oras na 7:24.21.  Pumangalawa ang Vietnam (7:27.65) habang pumangatlo ang Myanmar […]

SEA Games: Nanaginip na may “golden hair,” sumungkit ng ginto

SUBIC BAY FREEPORT – LITERAL na “dream come true” ang kuwento ni Michael Comaling sa 2019 Southeast Asian Games- dilaw na buhok para sa gintong medalya. Hindi kathang isip bagkus totoo ang panaginip ng 19-anyos na makasusungkit siya ng panalo sa kumpetisyon. “Kasi two weeks ago nung dito pa kami nagte-training natulog po ako then […]

Sapatos mula ukay-ukay, pang-SEA Games bronze medal

KAHIT may maayos at bagong sapatos na magagamit, pinili ni Efraim Iñigo na isuot ang lumang sapatos na nabili sa ukay-ukay. Para sa kanya, ito ang nagsisilbing lucky charm sa tuwing sasabak sa kumpetisyon. “Marami pong sumuporta sa akin nagbigay ng ibat-ibang sapatos galing sa LGU (local government unit) at sa national team pero ito yung […]

Janitor noon, SEA Games champion ngayon

MULA  sa pagiging janitor sa bike shop ng kanyang coach, siya ngayon ay isa nang Southeast Asian Games champion. Parang fairy tale ang mala-Cinderella story ni  John “Rambo” Chicano, ang unang atletang nagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas sa 2019 SEA Games. Sinalubong ng mahigpit na yakap at matamis na halik ng kanyang babaeng anak […]

SEA Games: Second silver ng pencak silat hatid ng 16-anyos

SUBIC – Marahil siya ang pinakabata at kulang pa sa karansan kumpara sa kanyang mga katunggali, pero nagpakita agad ng gilas si Mary Francine Padios nbg Pilipinas matapos ang podium finish sa pencak silat women’s tunggal Martes sa Subic Bay Exhibition and Convention Center dito. Ibinulsa ni Puspa Arum Sari ng Indonesia ang kanyang kauna-unahang […]

SEA Games: Ilang laro sa Subic, Southern Luzon kanselado dahil sa bagyo

SUBIC FREEPORT ZONE – Dahil karamihan sa mga  outdoor at water-related sports ang lalaruin sa Subic at Southern Luzon, kinansela ng Philippine Sea Games Organizational Committee (Phisgoc) ang ilang events sa mga nasabing clusters dahil sa typhoon “Tisoy” (international name “Kammuri”) na pumasok sa Philippine Area of Responsibility Martes ng umaga upang masiguro ang kaligtasan […]

SEA Games: Hidilyn Diaz sinungkit unang ginto sa weightlifting

WALANG nakapigil kay Hidilyn Diaz para masungkit ang unang ginto sa weightlifting event ng 2019 Southeast Asian Games Lunes ng hapon sa Rizal Memorial Stadium. Bumuhat ang Olympian ng 91 kg sa snatch at 120 sa clean and jerk para sa kabuuang 211 kg para sa gintong medalya. Pinadapa ni Diaz si silver medalist Juliana […]

Previous           Next
What's trending