‘Train To Busan’ star Ma Dong-seok ipapasyal ni Chavit sa Pinas
GOOD news para sa lahat ng Pinoy fans ng Korean-born American actor na si Ma Dong-seok na nakilala nang bonggang-bongga sa South Korean movie na “Train To Busan“!
Mukhang matutuloy na ang pagbisita niya sa Pilipinas one of these days dahil sa star politician at businessman na si former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson.
Ayon sa ating source, pinaplantsa na ang pagtungo ni Ma Dong-seok sa bansa matapos silang magkita at magkausap nang personal ni Manong Chavit kamakailan sa South Korea.
With his breakout role in “Train to Busan” in 2016 at sa paglabas niya sa Hollywood film na “Eternals”, the actor has been busy with movie projects and is one of South Korea’s big actors.
View this post on Instagram
Kaya naman naniniwala si Gov. Chavit na magiging maganda ang epekto ng pagtungo ng naturang Korean superstar sa Pilipinas na siguradong ikatutuwa ng kanyang Filipino fans.
Sabi pa raw ni Manong Chavit, inimbita niya si Ma Dong-seok para malibot ang mga magagandang lugar sa Pilipinas at posibleng kasunod nga nito ang kanilang business collaborations in the future.
Nag-meet sina Ma Dong-seok at Manong Chavit sa South Korea, kasama ang boxing legend na si Manny Pacquiao.
Doon nakausap at naka-bonding nila ang ilang business associates at Korean superstars kabilang na nga sina Ma Dong-seok, Lee Seung-gi at Nancy McDonie ng Momoland.
Nauna nang ibinandera ni Singson na dito sa Pilipinas kukunan ang upcoming South Korean series na “Vagabond 2”, starring Lee Seung-gi at ilang Pinoy actors din daw ang makakasama rito.
View this post on Instagram
Patuloy ang LCS Group ni Manong Chavit sa pakikipag-usap sa mga malalaking kumpanya at talent management sa Korea para sa possible work and business opportunities sa mga Filipino.
A project that is underway is manpower exchange for cosmetics manufacturing. Singson and Pacquiao sat down with Incheon Mayor Yoo Jeong-bok to discuss their partnership.
“Korean beauty products are very good and popular in the Philippines,” sabi ng dating gobernador.
Governor Singson has also worked with his business partners in Korea to help provide electric jeepneys in the Philippines.
“The major purpose of our trip here is about (bringing in) electric vehicles to the Philippines,” sabi pa ni Singson tungkol sa current situation ng transportation sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.