'Train To Busan' actor Don Lee nakipagbardagulan na naman sa Korean movie na 'The Roundup: No Way Out' | Bandera

‘Train To Busan’ actor Don Lee nakipagbardagulan na naman sa Korean movie na ‘The Roundup: No Way Out’

Ervin Santiago - June 09, 2023 - 08:06 AM

'Train To Busan' actor Don Lee nakipagbardagulan na naman sa Korean movie na 'The Roundup: No Way Out'

Don Lee

NAGBABALIK ang crime-fighting Monster Cop na muli tayong pabibilibin at magbibigay ng kakaibang action movie experience.

Ngayong 2023, muling gagampanan ni Don Lee ang iconic role niyang si Detective Ma Seok Do para sa “The Roundup: No Way Out”, ang third installment para sa “Roundup” series.

Isa itong South Korean crime-action film series tungkol sa isang detective na hina-hunting at tinutugis ang mga big time na criminal.

Napanood na namin ang pelikula sa ginanap na premiere night kamakailan at in fairness, na-enjoy namin siya nang bonggang-bongga dahil mula simula hanggang ending ay hindi kami nabagot o na-bore dahil bawat eksena ay talagang pasabog.

Samahan si Ma Seok Do na harapin ang mas mahihirap na hamon at mas malalaking kalaban. Panoorin ang “The Roundup: No Way Out” na showing na ngayon sa mga SM cinemas.

Ilang taon matapos ang mission nila sa Vietnam, may bagong grupo ng mga pulis na sasalihan si Detective Ma Seok-do (Don Lee), ang Metropolitan Investigations team. Misyon nila ngayon na hulihin ang isang sindikato na nagpapalaganap ng mga synthetic drugs.

Baka Bet Mo: Viral ‘killer cop’ namatay sa loob ng Bilibid, ‘foul play’ iniimbestigahan na

Magkakaroon ng dalawang notorious na kalaban si Detective Ma Seok-do sa pagresulba sa kasong ito, sina Joo Sung Chul (Lee Jun-hyuk), ang misteryosong lider sa likod ng sindikato na laging nakakapuslit sa Metropolitan Investigators, at si Ricky (Munetaka Aoki), isang Japanese drug distributor na magpupunta ng Korea kasama ang gang nito para alisin sa landas niya ang mga nangingialam sa kanyang negosyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Don Lee 마동석 (@donlee)


Kailangang mapigilan nina Detective Seok-do at ng kanyang team ang delubyong dala nina Sung Chul at Ricky at ipasara ang kanilang mga illegal operations bago pa mahuli ang lahat.

Humanda sa full-packed action action na ipapakita ni Don Lee dahil naglevel-up ang mga signature fist-fighting scenes nito para sa pelikula.

Nakilala na sa buong mundo at minahal na ng marami ang South Korean actor matapos nitong magkaroon ng mga remarkable roles sa “Train to Busan” at sa pelikula ng Marvel Cinematic Universe na “The Eternals.”

Kasamang bibida ni Don Lee sa “The Roundup: No Way Out” ang multi-awarded South Korean actor na si Lee Jun-hyuk at ang Japanese actor na Munetaka Aoki na unang beses na mapapanood sa isang Korean film.

Nagbabalik din ang direktor ng pelikula na si Lee Sang-yong para ipagpatuloy ang success ng Roundup series matapos nitong maging assistant director at direktor sa unang dalawang pelikula.

Kung gusto n’yo nang pasabog na aksyon na may nakakalokang twist, watch n’yo na si Detective Ma Seok-do sa “The Roundup: No Way” Out, exclusively at SM cinemas.

Liza Diño nakapagpa-picture sa 2 sikat na Korean actor sa Busan, celebrity friends inggit na inggit: ‘OMG! Sorry na!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Veteran comedian na si Don Pepot pumanaw na sa edad 88: Itapon ninyo ang mabuti at pulutin ang masama…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending