Veteran comedian na si Don Pepot pumanaw na sa edad 88: Itapon ninyo ang mabuti at pulutin ang masama…
Don Pepot
PUMANAW na ang beteranong komedyante na si Don Pepot, o Ernesto Fajardo sa tunay na buhay, kagabi, Jan. 18. Siya ay 88 taong gulang.
Kinumpirma ng kanyang mga anak na sina Michael at Michelle Fajardo ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media.
Eksaktong 8:32 ng gabi kahapon nang sumakabilang-buhay ang kanilang ama habang naka-confine sa Veteran Memorial Hospital dahil sa severe pneumonia dulot ng COVID-19.
Narito ang mensaheng ipinost ni Michael sa kanyang Facebook account patungkol sa pamamaalam ng veteran comedian.
“Our beloved Ernesto ‘Don Pepot’ Fajardo passed away yesterday at 8:32 pm due to acute respiratory failure; covid confirmed critical.
“His wake will be at Solennelle Funeral Homes at Valenzuela, along Maysan Road.
“January 20, 2022 – Day 1: Family members only.
“January 21, 2022 – Day 2: Relatives & Friends.
“January 22, 2022 – Day 3: Open to the Public.
“Eternal rest grant unto him O’Lord. May his soul rest in peace. We love you, papang!” pahayag pa ng anak ni Don Pepot.
Huling napanood sa telebisyon ang komedyante sa ibinigay na tribute sa kanya ng dating Kapuso weekly show na “Sunday PinaSaya” noong July, 2018 nang bigyan siya ng “Puso ng Saya” award dahil sa hindi matatawarang kontribusyon niya sa entertainment industry lalo na sa larangan ng komedya.
Ang last movie naman na nagawa niya ay ang “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako” na naging official entry sa Metro Manila Film Festival 2012.
Nagsimula ang showbiz career ni Don Pepot noong 1964 at umabot na sa mahigit 100 ang pelikulang nagawa niya.
Kung matatandaan, naging biktima rin ng fake news noon si Don Pepot (February, 2014) nang kumalat sa social media ang balitang namatay na siya dahil sa kumplikasyon sa diabetes.
Samantala, ibinahagi rin ni Michael sa pamamagitan ng FB ang isang pangaral mula sa ama na babaunin niya habang siya ay nabubuhay.
“Itapon ninyo ang mabuti at pulutin ninyo ang masama. Kaya ko sinabi na itapon ninyo ang mabuti para mapulot ng iba at sila ay maging mabuting tao.
“Pulutin ninyo ang masama, ibaon ninyo sa lupa at nang mawala ang masama,” ang mensahe ni Don Pepot sa kanyang mga anak.
https://bandera.inquirer.net/287195/angel-nagpaalam-na-sa-programa-ng-abs-cbn-ituloy-pa-rin-po-natin-ang-bayanihan-spirit
https://bandera.inquirer.net/291741/gma-writer-sa-mga-pupuri-ng-viewers-sa-legal-wives-hindi-peke-kundi-totoo-hindi-nanloloko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.