Korean horror movie patok na patok sa Pinoy clebrities
HIT na hit din pala sa mga celebrities ngayon ang South Korean zombie film na “Train To Busan” directed by Yeon Sang-ho.
Ito’y pinagbibidahan ng sikat na Korean actor na si Gong Yoo na bumida noon sa Koreanovelang Coffee Prince (na ginawan pa ng Pinoy version noon ng GMA 7 starring Aljur Abrenica and Kris Bernal).
In fairness, ang ingay-ingay ngayon ng “Train To Busan” sa social media pa lang ay napakarami nang nagpapatunay na napakaganda ng horror film na ito kung saan mapapanood din ang iba pang kilalang Korean stars tulad nina Kim Su-an, Jung Yu-mi, Ma Dong-seok, Choi Woo-shik at Wonder Girls member Ahn So-hee.
Kuwento ito ng isang single father (Gong Yoo) sa Seoul, South Korea at ng kanyang anak na babae na si Soo-An (Kim Soo-Ahn). Nagkahiwalay sila ng kanyang asawa kaya siya na ang nag-alaga at nagpalaki sa kanyang anak.
At dahil naging super busy sa kanyang trabaho, nawawalan na siya ng panahon para sa kanyang anak. Isang gabi, pinilit ng bata ang kanyang tatay na bisitahin ang kanyang nanay sa mismong birthday niya.
Sumakay ng KTX train ang mag-ama patungong Busan at dito na nga magsisimula ang pag-atake ng mga zombie. Puro papuri ang nabasa naming komento mula sa mga artistang nakapanood na sa movie. Ayon sa mga ito, natakot, nagsisigaw at napaiyak sila sa pelikula.
Unang-una na nga sa listahan ng mga celebrities na nag-enjoy sa “Train To Busan” ay ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza. Tweet ni Yaya Dub, “Just saw Train to Busan! Hay jusko, masyadong nakakastress at masakit sa puso!!!”
Komento naman ni Bela Padilla sa kanyang Twitter account, “What I learned from ‘Train To Busan’ pag sinabing next week nalang aalis, next week ka na umalis. Wag kang makulit na bata.”
Ayon naman kay direk Antoinette Jadaone, “Linchak na mga zombies to, panaiyak ako #TrainToBusan!”
“Grabe yung #TraintoBusan! Grabe ang sigaw at iyak ko. One of those zombie movies that’s close to reality,” ayon naman kay Camille Prats.
Chika naman ni Ritz Azul, “Watched Train To Busan with the family. Comment ng nanay ko: ‘Ang dami nilang ginamit na contact lense.’ From 2 day workshop at ngayon dahil sa Train To Busan 3 days straight na akong umiiyak.”
Ang “Train To Busan” ay nagkaroon ng world premiere sa nakaraang 2016 Cannes Film Festival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.