‘John Wick’ ng South Asia na si Dev Patel todo bakbakan sa ‘Monkey Man’
INTENSE at punong-puno ng aksyon ang bagong pelikula ng British actor na si Dev Patel, ang binansagang “South Asian John Wick.”
Pinagbibidahan niya ang action movie na pinamagatang “Monkey Man” na nakatakdang ipalabas sa darating na May 15.
Ang action thriller ay inspired sa alamat ng Hindu deity na si Hanuman na siyang sumisimbolo sa karunungan, lakas, tapang, debosyon at disiplina sa sarili.
Iikot ang kwento ng nasabing pelikula sa paghihiganti ng isang tao laban sa isang tiwaling lider na pumatay sa kanyang ina at patuloy na binibiktima ang mga mahihirap at walang kapangyarihan.
Baka Bet Mo: Jacob Batalon bibida sa horror film, may pa-shoutout sa mga kababayan
Bukod sa siya ang bida, ito rin ang nagsisilbing directorial debut ni Dev at siya rin mismo ang nagsulat ng kwento nito.
Aminado ang aktor na obsessed siya sa action films mula noong bata pa siya at ibinunyag na ang nasabing pelikula ay isang dekada na niyang ginagawa.
“It was an action-packed, crazy ride – blood, sweat, tears, broken bones, literally, for this revenge film about faith,” kwento ni Dev sa inilabas na pahayag ng Universal Pictures.
Sey pa niya tungkol sa kanyang passion project, “It’s set in a modernized India, and we take one of the oldest mythologies we have and put a brand-new spin on it.”
“We’ve taken something and made it completely original. It vibrates with energy and soul and culture, and some of the most insane action,” ani pa ng actor-director.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.