Julie Anne naospital kaya wala sa concert ni Regine: Ilang oras nagsuka
SUPER frustrated ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose nang bigla siyang mag-cancel bilang guest sa concert ni Regine Velasquez.
Hindi natuloy ang guesting ng Kapuso actress-TV host sa “Regine Rocks The Repeat” dahil nagkaroon daw siya ng health emergency nu’ng mismong araw ng concert.
Isinugod sa ospital si Julie Anne matapos makaranas ng matinding pananakit ng tiyan kasabay ng pag-atake ng kanyang migraine.
Baka Bet Mo: Regine aprub sa relasyong JulieVer, may bilin kay Rayver: ‘Alagaan mo yan ha, special sa amin yang si Chuli!’
Sa katunayan, nakapag-rehearse na raw siya isang araw bago ang repeat ng concert ng Asia’s Songbird at looking forward na talaga siya sa kanilang production number.
View this post on Instagram
“Paggising ko, bigla na lang ako nagsusuka tapos it went on for hours, eh.
“Tapos sabi ko ayoko munang dalhin ‘yung sarili ko sa ospital kasi baka mamaya mawawala naman or whatsoever ganyan,” sey ni Julie Anne sa panayam ng “24 Oras”.
“Pero like talaga nu’ng nagdire-diretso na hindi na talaga tumitigil, nagpa-ospital ako kasi.
“Natakot din ako at saka ‘yung family ko natakot din sila. Even (Rayver Cruz, her boyfriend) was there, pinuntahan din niya ako sa hospital,” dagdag pa niya.
Super thankful and grateful naman si Julie Anne dahil naintindihan naman daw ni Regine ang kanyang sitwasyon.
“Siyempre nakaka-feel bad pa rin kasi talagang looking forward ako na makasama ulit si Ate sa stage,” sabi pa ni Julie Anne.
Kagagaling lang ni Julie Anne at Rayver, kasama ang iba pang Sparkle at Kapuso stars sa Canada kung saan nag-concert sila para sa Filipino community doon.
Nauna nang nag-post sa kanyang Facebook page ang girlfriend ni Rayver ng mensahe para kay Regine kasabay ng pagpapaliwanag kung bakit wala siya sa matagumpay na “Regine Rocks The Repeat.”
Baka Bet Mo: David naglabas ng feelings kay Julie Anne: Nasa kanya na lang kung o-oo siya o hindi…
Ayon sa Kapuso singer, “Congratulations, ate Regine Velasquez-Alcasid for a very successful concert!
“Your talent is truly undeniable, and I feel fortunate to have witnessed it throughout my journey as a singer. You are my inspiration,” aniya.
Paghingi niya ng paumanhin kay Regine, “I would like to express my gratitude for inviting me to be part of your concert.
View this post on Instagram
“I was incredibly excited to share the stage with you again last night but unfortunately, things didn’t go my way due to health concerns and I appreciate your understanding. I love you!” sabi pa ni Julie Anne.
Bilang kapalit ni Julie Anne, agad na sinabihan ng production si Darren Espanto kung pwede siyang mag-guest sa concert.
Ayon sa direktor ng show na si Paolo Valenciano, “Just want to commend @darrenespanto who agreed to take Julie Anne San Jose‘s place after an emergency health scare that forced her to back out this morning. Darren learned the whole prod this afternoon.
“Thank you so much, bro (crying emoji) and praying for your speedy recovery @myjaps (heart emoji). #reginerockstherepeat,” ang pahayag pa ng anak ni Gary Valenciano.
Nag-comment naman si Julie Anne sa post ni Paolo, “Aww thanks @paolovalenciano (praying hands emoji). Bawi ako. Love you sm ate @reginevalcasid (heart emoji). i’m sure you killed it @darrenespanto (raising hands emoji).”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.