David naglabas ng feelings kay Julie Anne: Nasa kanya na lang kung o-oo siya o hindi... | Bandera

David naglabas ng feelings kay Julie Anne: Nasa kanya na lang kung o-oo siya o hindi…

Ervin Santiago |May 06,2021
facebook
share this

David naglabas ng feelings kay Julie Anne: Nasa kanya na lang kung o-oo siya o hindi…

Ervin Santiago - May 06, 2021 - 09:18 AM

POSIBLE nga bang ma-in love sa isa’t isa ang bagong Kapuso loveteam na sina Julie Anne San Jose at David Licauco?

In fairness, waging-wagi sa ratings game at palaging trending sa social media ang kanilang primetime series na “Heartful Café” sa GMA Telebabad.

Bentang-benta ang mga pakilig at pampa-good vibes nilang mga eksena sa serye na siyang inaabangan gabi-gabi ng kanilang fans na umaasang mauuwi rin sa totohanan ang kanilang espesyal na pagtitinginan.

Kaya naman natanong sina David at Julie Anne kung may chance ba na magkatuluyan sila sa tunay na buhay at hindi lang pangteleserye?

“Nasa kanya na lang ‘yan kung o-oo siya o hindi,” ang diretsong sagot ng tinaguriang Kapuso Chinito Heartthrob na tila may tono ng pagbabanta sa kanyang leading lady. Ha-hahaha!

Ito naman ang tugon ng Asia’s Pop Diva kay David, “Ako naman, never naman ako naging sarado. I mean I’m open to any possibility naman. Sabi ko nga, ready na naman ako sa isang serious commitment.

“And, yes. If there’s a chance to get to know him more, I mean, why not? Let’s see,” dagdag pang sagot ng dalaga.

May nagbalita naman sa amin na hindi lang on-cam super sweet sina Julie Anne at David sa isa’t isa kundi pati off-cam kaya naniniwala kami na posibleng ma-develop ang feelings nila habang tumatagal.

Samantala, todo ang pasasalamat ng buong production ng “Heartful Café” dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa serye lalo na sa tambalan nina Julie Anne at David.
Sabi nga ni David kahit siya ay talagang kinikilig kapag pinapanood niya ang mga eksena nila ni Julie, “The whole time, I was smiling while watching the show so talagang, I don’t know, talagang natatawa lang ako.

“As in parang nakakakilig tapos parang ang ganda rin talaga ng whole concept, e,” aniya pa.

Napapanood ang “Heartful Café” mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad pagkatapos ng “First Yaya.” Pwede ring subaybayan ang full catch-up episodes nito at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at sa GMA Network app.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending