Cristy Fermin todo puri kay Regine Velasquez: Panahon mo pa rin
TODO puri ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa Kapamilya actress-singer at Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Sa kanyang programa ay naalala niya ang sinabi ng Kapamilya TV host-singer na tila hindi na raw niya panahon ngayon.
Saad ni Cristy, “Regine, panahon mo pa rin. Hinding-hindi ka mawawala agad sa listahan ng mga pinakamagagaling na singers ng ating bayan.”
Bukod pa rito, sinabi rin ng kolumnista na sa kanyang oananatili sa industriya ay mayroon na siyang napatunayan.
Baka Bet Mo: Ria Atayde tatlong buwan nang buntis ayon kay Cristy Fermin
View this post on Instagram
“May pinatunayan ka na, pinatutunayan mo pa rin at kaya mo pa ulit patunayan,” dagdag pa ni Cristy.
Chika pa niya, kahit pa may mas magagaling na ngayon ay si Regine pa rin ang nasa trono.
“Sabi niya kasi tanggap na raw niya na merong mas magagaling, hindi. Merong magagaling pero ikaw pa rin ang nasa trono talaga,” giit ni Cristy.
Matatandaang kamakailan lang ay naging hot topic sa social media si Regine matapos itong bigyan ng parangal sa Billboard Philippines 1st Women in Music Awards.
Isang netizen pa ang nagsabi sa X (dating Twitter) na nararapat lang na maging National Artist ang singer-actress.
“With a career spanning over three decades, Regine Velasquez-Alcasid has showcased her exceptional vocal ability.
“Her influence extends beyond borders and timelines. Above all else, she’s been using her platform to champion social causes. An icon. Our National Artist for Music!” sey ng netizen.
Sagot naman ni Regine na mapapanood sa Facebook reel ni Darla Sauler, “I don’t think I’m qualified yet but I would want Pilita Corrales as National Artist, Jose Marie Chan. Parang hindi pa (ako), hindi ko pa yun panahon ngayon.
“So, huwag na muna. Parang merong mas qualified sa akin and I still have a long way to go but thank you.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.