Jose Mari Chan napaiyak sa duet nila ni Regine

Jose Mari Chan napaiyak sa duet nila ni Regine, natakot habang kumakanta

Ervin Santiago - November 11, 2024 - 03:02 PM

Chelsea Manalo napansin ni Tyra Banks, napa-comment pa: ‘Get it, girl!!!!!’

NAPAIYAK ang tinaguriang King of Philippine Christmas Carol na si Jose Mari Chan habang kumakanta kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Muling nagkasama ang dalawang music icon sa “ASAP Natin ‘To” stage kahapon, November 10 para kantahin ang kanilang classic duet na “Please Be Careful With My Heart”.

Unang inilabas ang nasabing OPM hit mahigit tatlong dekada na ngayon ang nakararaan pero until now ay buhay na buhay pa rin sa mga Pinoy, lalo na sa mga mahilig mag-videoke.

Habang kumakanta nga sila ni Regine ay bigla na lamang naging emosyonal si Tito Joe at napaluha.

Baka Bet Mo: Rita Daniela biglang napaiyak sa presscon ng ‘Huling Ulan sa Tag-araw’; tinawag na ‘partner in life’ si Ken Chan

“It feels like visiting your old hometown and you’re walking down the streets.

“That’s why when we were singing earlier, there were tears in my eyes. I was afraid that my voice would crack,” ang pahayag ni Jose Mari Chan nang tanungin kung bakit siya napaluha.

Nagpapasalamat daw siya at hindi nabasag o sumablay ang kanyang boses sa kalagitnaan ng performance nila ni Regine.

“As I get older I get more sentimental. How wonderful to be singing with Regine again,” pahayag pa ni Tito Jo.

Sagot naman sa kanya ni Ate Regs, “Thank you very much for that opportunity. And this was also one of my first humungous hits.”

Nauna rito, napaiyak din ang OPM legend habang kinakanta ang isa pa niyang hit song na “Christmas In Our Hearts” sa isang dinaluhang event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending