Ria Atayde tatlong buwan nang buntis ayon kay Cristy Fermin

Ria Atayde tatlong buwan nang buntis ayon kay Cristy Fermin

Therese Arceo |April 06,2024
facebook
share this

Ria Atayde tatlong buwan nang buntis ayon kay Cristy Fermin

Therese Arceo - April 06, 2024 - 08:49 PM

Ria Atayde tatlong buwan nang buntis ayon kay Cristy Fermin

TRULILI kaya ang kumakalat na chika na tatlong buwan nang buntis ang Kapamilya actress na si Ria Atayde?

Sa isa sa mga episodes ng “Cristy Ferminute” ay ibinahagi ng kolumnista na may source sila na nagsasabing preggy nga talaga ang anak ni Sylvia Sanchez.

“Tungkol po dun sa pagdadalang-tao ni Ria Atayde, mas maganda po kung diretso nating maririnig ang pag-amin mula sa mag-asawa o kaya ay sa kani-kanilang pamilya,” pagbabahagi ni Cristy.

Chika pa niya, labis raw na ikinasaya ng pamilya Atayde at Marudo ang pagdating ng bagong blessing sa kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: Zanjoe, Ria ‘nag-honeymoon’ sa Balesin kasama ang buong Atayde family

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy niya, “Pero may source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalang-tao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde.”

Marami naman ang naging happy kung totoo nga ang chikang buntis ang Kapamilya star.

“Congratulations Zanjoe and Ria. just so excited to take a look at your ‘mini me’ soon. may God bless your pregnancy and delivery. Love you both,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Wow the most exciting part of married life to have a Baby,lola Sylvia & lolo Art will be the most happiest  I bet.”

May isa ring masaya para kay Ria kung totoong buntis ito dahil nauna nang nasabi ng kapatid nitong si Gela Atayde na may PCOS ang kapatid.

“Congratulations…i think may PCOS din sya kaya im happy for them for the blessing…there is a lot of PCOS women out there dreaming of this too,” sey ng isang netizen.

Speaking of Gela, nauna na nitong pabulaan ang chikang buntis ang kanyang Ate Ria.

“For me, I can’t say much yet. For now, no [hindi buntis]. They’re trying, that’s for sure. My sister has PCOS and it would be a miracle if she has a child.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Well, at least my parents also are supportive for that my sister nga kasi is at the age — turning 32 this year — medyo kailangan na din.”

Sa ngayon ay wala pa namang panibagong pahayag ang kampo ni Ria kung totoo bang nagbubuntis ito.

Matatandaang kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng aktres ay nagkaroon sila ng civil wedding ni Zanjoe Marudo na officiated ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending